Mark naiyak nang malamang lalaki ang magiging anak; Nicole tamad-tamarang buntis

Gender Reveal 🤍👶🏻

ILANG araw matapos ibandera na magkakaroon na sila ng anak, isang simpleng gender reveal party ang inorganisa ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa.

Sa kanilang YouTube channel, ibinahagi nila na boy ang gender ng kanilang supling.

Pinangalanan nilang Corky ang anak, kombinasyon ng mga pangalan nila at ng salitang “baby.”

Sa naging livestream naman ni Nicole para sa “Descendants of the Sun” online show na “DOTS How To Do It”, ikinuwento niya na malakas na ang kutob niya na baby boy ang kanyang ipinagbubuntis.

Aniya, “I think I’m having a boy ‘coz I’m so tamad to get ready kahit iba-brush ko lang ‘yung hair ko and konting lipstick, tamad na tamad akong gawin.

“Ang sabi nila kasi like kapag babae raw ‘yung anak mo, mahilig kang magkikay-kikay, mag-ready, and ang active mo.
“Ako, no. I just wanna lay down and sleep tapos wala akong gana talaga kung ‘di mag-listen ng music or watch TV, gano’n,” dagdag pang kuwento ng Kapuso actress.

Samantala, naiyak naman si Mark nang malamang lalaki ang magiging anak. Wala raw kasi siya talagang alam kaya hashtag #shookt ang drama niya.

Birong hirit pa ng Kapuso actor-dancer, “Tama ako, guys, ‘di ba? Alam na. Ipapasa ko ang agimat.”

Naka-schedule manganak si Nicole sa panganay nila ni Mark sa January, 2021.

 

Read more...