Kate Valdez inatake ng matinding takot sa pagbabalik-taping: Parang back-to-zero ‘yung acting ko

INATAKE rin ng takot ang Kapuso young actress na si Kate Valdez nang magbalik-taping na para sa Kapuso series na “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.”

Aminado ang dalaga na talagang iba ang pakiramdam habang nagte-taping sila sa ilalim ng new normal kung saan mahigpit ngang ipinatutupad ng production ang safety protocols sa location.

Limang buwan ding natengga sa pagtatrabaho si Kate dahil sa COVID-19 pandemic kaya talagang nakakapanibago ang muling pagsabak nila sa taping ng “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.”

“Sa totoo lang, medyo nangangapa po ako dahil para akong bumalik sa umpisa, like from the start ng taping day, parang mag-uumpisa pa lang ulit ‘yung show. Tatanungin ko ‘yung sarili ko ‘paano ulit umarte?'” lahad ni Kate sa panayam ng GMA.

Aniya pa, “May part sa akin na nagse-shake ako noong nag-take kami last time. Sabi ko, ‘Bakit ako kinakabahan?’ ‘Yun pala siyempre meron ngayong nangyayari, hindi na ganoon tulad before ‘yung aming set and kung paano kami mag-interact sa co-actors namin.

“Parang back-to-zero ‘yung acting skills ko, parang babalik ako sa umpisa, which is ang hirap po,” chika pa ng dalaga.

Ayon kay Kate, malaki ang naitulong ng maikling bonding nila sa set with their director Aloy Adlawan, “Konting tsika, which is nakakatulong para ma-release mo ‘yung stress, ‘yung kaba sa set, lalo na ako nerbiyosa ako.

“Tsaka before, twice pa kaming magre-rehearse, first ‘yung throw lines, second ‘yung rehearsal.

“Ngayon magkasunod na siya so dapat ‘pag nasa set ka na, alam mo na ‘yung lines mo para mabilis ‘yung process ng pag-take.

“Nakaka-pressure po kasi parang ayaw mo nang magkamali, ‘Sige i-take na natin ito, ayoko nang magtagal sa set! Nakakakaba, which is fun naman dahil hindi po kami nale-late rin,” chika ng Kapuso star.

Ilan pa sa cast members ng serye ang nakasama ni Kate sa pagbabalik-taping ng production kabilang na sina Barbie Forteza, Snooky Serna, Dina Bonnevie at Migo Adecer.

Read more...