Magnitude 3.3 na lindol, naramdaman sa Davao Oriental

 

Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol may 9 na kilometro timog-silangan ng Governor Generoso.

Naramdaman ang pagyanig bandang 1:04 ng hapon.

May lalim itong 25 kilometro at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, wala namang napaulat na pinsala o nasaktan sa lindol.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...