outbrain

Kris Bernal freelance artist na, lalayasan na ba ang GMA 7?

By Ervin Santiago September 16,2020
share this

Kris Bernal freelance artist na, lalayasan na ba ang GMA 7?

By Ervin Santiago September 16,2020 - 06:36 PM
TATALIKURAN na nga ba nang tuluyan ni Kris Bernal ang GMA 7?
Yan ang tanong ng mga fans ng Kapuso actress matapos siyang mag-guest sa bagong morning talkshow ng TV5 na “Chika, BESH! Basta Everyday Super Happy” hosted by Pokwang, Pauleen Luna-Sotto and Ria Atayde.
Inamin ni Kris na nag-expire na ang kanyang kontrata sa GMA kaya wala siyang pananagutang legal sa Kapuso network. Sa kasalukuyan ay isa siyang freelance artist.
Ipinaliwanag ng dalaga ang estado ng kanyang career sa bago niyang vlog sa YouTube at sinagot din ang ilang tanong ng kanyang social media followers.
Pinag-iisipan daw niyang mabuti ngayon kung ano ang susunod niyang hakbang at kung kukuha pa siya ng bagong talent manager.
Pero ipinagdiinan ni Kris na maayos ang relasyon niya sa GMA at walang issue sa hindi niya pagpirma ng bagong kontrata sa kanyang mother studio na naging tahanan niya sa loob ng napakahabang panahon.
“I informed my bosses about this guesting and they were okay about it. Siyempre, hindi ko ito gagawin kung may makakabangga po ako or kung may masasaktan ako.
“Right now, I can say that I am a freelancer and I have no manager yet. Hindi pa po ako nakakapag-decide and pinag-aaralan kong mabuti kung sino ang puwedeng mag-handle sa akin.  Siyempre, dapat comfortable ako,” paliwanag ng dalaga.
Aniya pa, “But siyempre I value my home network dahil sila po ang nagpalaki sa akin. They were the one who gave me my biggest breaks, who honed me to become better in my profession, in my passion, acting.
“Ang laki po ng tiwala sa akin. Ang laki-laki ng mga projects na binibigay nila sa akin, lagi akong lead role. I will be forever grateful to those times. Siyempre, malaki po ang utang na loob ko.
“I’m just really praying to God where He will lead me, I trust His plans and I leave my options open,” tuluy-tuloy na pahayag ni Kris sa kanyang vlog.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending