Tambalang Alden-Jasmine may K-drama effect; Winwyn natakot bumalik sa taping

 

NAGSIMULA na ang taping ng cast ng upcoming GMA program na “I Can See You”.

 

Kabilang sa bigating Kapuso stars na magiging bahagi ng bagong handog ng GMA 7 ay sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torres, Benjamin Alves at Winwyn Marquez.

 

Excited itong ibinalita ni Winwyn sa kanyang fans sa nakaraang Kapuso Brigade ZOOMustahan.

 

Naikuwento rin niya na may takot pa rin siyang nararamdaman sa nakakapanibagong work setup, “I’m leaving this week for a lock-in taping, so ‘di ko alam kung ano ang ie-expect ko at paano ako mag-a-adjust.

 

“I just want to be honest. Natatakot ako, siyempre, kasi ‘di ko alam kung paano kikilos, ‘di ko alam kung maaapektuhan ba ‘yung pag-a-acting — it’s all new, e.

 

“Siguro, I’ll just take it day by day kung paano ako mag-a-adjust sa work, ang mahalaga balik-trabaho na,” pahayag ng Kapuso beauty queen-actress.

 

Abangan ang magiging karakter ni Winwyn sa drama anthology “I Can See You” na malapit n’yo nang mapanood sa GMA.

 

* * *

Speaking of “I Can See You”, sa behind-the-scenes photos mula sa taping ng isa sa mga episode nitong “Love on the Balcony”, pinusuan ng netizens ang tambalan nina Alden Richards at Jasmine Curtis.

 

Ayon sa ilang comments ng netizens, “bagay na bagay” din ang dalawang Kapuso stars at excited na silang mapanood ang nasabing mini-series.

 

Dagdag pa ng mga fans parehong mahusay umarte sina Alden at Jasmine kaya siguradong magiging maganda ang chemistry nila.

 

May nagsabi pa nga na parang may K-drama feel ang mga nakita nilang litrato na kuha sa taping nina Jasmine at Alden kung saan berdeng-berde ang kapaligiran habang fresh na fresh naman ang aura ng dalawang bida.

 

Abangan ang “I Can See You: Love on the Balcony” sa GMA Telebabad very, very soon.

 

Read more...