NAG-SORRY na ang talent manager-columnist na si Aling Lolit Solis dahil sa pagkakasulat niya na nanghingi ng tulong si Heaven Peralejo kay Manny Pacquiao at binigyan ito ng P100,000 ni Jinkee Pacquiao.
Napulot lang pala niya sa isang website ang chika at inilagay sa kanyang Instagram account.
Ang siste, wala pala itong katotohanan kaya nag-sorry siya sa IG post niya.
“So maliwanag na ang lahat. Nag-text si mama Jinkee Pacquiao na hindi daw totoo iyon balitang iyon, so tanggap ko na mali nga ang mga balita. Good, dahil at least maliwanag na ang lahat. Pati sila mama Jinkee at Jimuel nasali pa sa gulo , kaya nahihiya ako.
“Kay Heaven at sa nanay niya na nagsabi na 73 years old na ako bakit pa ako nagbabalita ng ganito, tama ka Mommy, dapat nga siguro na pag may blind item pabayaan ko na. Sa nagawa ko, SORRY, at ewan ko kung bakit malaking issue ang 100K na kung iisipin ay barya lang sa mga involved.
“So SORRY Heaven, at mommy, sana hindi maging HELL ang buhay ko dahil sa 100K na iyan.
“Hindi totoo na humiram o binigyan ni Mama Jinkee Pacquiao si Heaven Peralejo, kaya sana maayos na ang lahat. Naku ayoko na talaga ng 150K at 100K parang malas sa buhay ko ang figure na iyan,” ani Aling Lolit.
Halos lahat ng IG followers ni Aling Lolit ay imbiyerna. Inilagay kasi niya sa kahihiyan si Heaven.
“Assumera ka kasi eh. Ilan beses na may mga mga inosenteng artista ang nalagay sa alanganin dahil sa kaka maling akala mo. Mag iingat ka sa kaka name drop lalo pag pera ang pinag uusapan. Nakakasira ka ng reputasyon ng ibang tao.”
“Isa lang ang malinaw, ginagawa mong hanap buhay ang manira ng buhay ng may buhay.”
“Wag kasi mahilig sa chismis. Pwede mo tanungin yung involved na Tao… matagal kana sa showbiz and maraming kaso kanang pinagdaan. So dapat alam muna lahat pasikot sa showbiz… wag mahilig sa fake news.”
“Ayan kasi napapala mo! Tsismosang matanda ka kasi! Kaya sinong maniniwala sayo? mga kinakalat mong balita puro peke! Dapat manahimik ka na lang! Impokritang matanda!”
Kung makapagsulat kasi ay wala pa ring pasubali. Eh, fake news naman pala. Hindi na siya natuto, eh, beyond senior citizen na siya.
Kung gawin kaya sa alaga niya iyan, matuwa kaya siya?