Ivana dedma sa malilisyosong isyu: Alam ko kung ano ang tama at totoo

 

KAHIT wala naman siyang ginagawang masama, may mga taong galit na galit pa rin kay Ivana Alawi.

Kung anu-anong masasakit at mapanghusgang salita ang ibinabato sa Kapamilya sexy star ng ilang bashers sa social media, lalo na yung mga umaastang moralista.

Hindi nila kasi nagugustuhan ang ginagawang pagbibilad ni Ivana ng halos hubo’t hubad na niyang katawan sa social media.

Pero para sa dalaga, kanya-kanyang trip lang yan sa buhay at hangga’t maaari ay ayaw na niyang patulan ang mga nangnenega sa kanya dahil alam niyang wala ring mangyayari kahit ipagtanggol pa niya sa mga ito ang kanyang sarili.

Sa latest vlog ng dalaga, sinagot niya ang ilang tanong ng kanyang fans tungkol sa iba’t ibang issue na ikinakabit sa kanya.

“Ever since, hindi talaga ako sumasagot sa issues. Wala, e. Hindi ko na talaga pinapatulan,” pahayag ng sexy actress-vlogger.

“Alam ko naman kung ano yung totoo and hindi ko na kailangan iesplika na, ‘Oy, guys, ito talaga. Ito kailangan kong sumagot.’ Kasi lalaki lang yung isyu, e.

“At kung alam mo naman yung tama, ano yung totoo, then you’ll just gonna keep quiet, kasi hindi ka naman apektado, e,” chika pa ng bagong pantasya ng bayan.

Aniya, mas mahalaga pa rin sa kanya ang sinasabi ng kanyang pamilya at mga totoong kaibigan na laging nakasuporta sa mga ginagawa niya.

“Usually kasi hindi naman ako naaapektuhan, lalo na kapag alam ko yung totoo, and alam ng pamilya ko yung totoo, and yung mga close friends ko.

“Yun lang naman importante sa akin, e. Wala na akong gustong patunayan sa ibang tao na, ‘Hoy, ganito ‘yon, o ganyan.’

 

“Kasi the true followers and my fans, they know me, and I love them, and I love my family, and I love life,” lahad pa ng YouTuber.

Read more...