Roxanne hindi malilimutan ang karanasan nang makita si Piolo sa mall | Bandera

Roxanne hindi malilimutan ang karanasan nang makita si Piolo sa mall

Reggee Bonoan |September 14,2020
facebook
share this

Roxanne hindi malilimutan ang karanasan nang makita si Piolo sa mall

Reggee Bonoan - September 14, 2020 - 01:34 PM

 

NABUKING sa “Reunion of 4 Witches” (cast ng Wildflower) vlog ni Aiko Melendez na hinding-hindi malilimutan ni Roxanne Barcelo ang experience niya kay Piolo Pascual.

Nangyari ito noong makita niya sa mall ang aktor noong nasa kolehiyo pa siya.

“Hindi ko makalimutan si Piolo nu’ng nakita ko siya sa mall, hindi pa uso noon ang pampa-brightening ng skin, hindi pa uso ang ring light pero para siyang may sariling ilaw habang pababa siya sa escalator.

“Para akong nagkaroon ng Toni Gonzaga moment sa (softdrink commercial) na, ‘ahhhh’ super hindi ko pinakita talaga, deep within ‘yung hiyaw ko, ang guwapo talaga,” pag-alala ni Roxanne.

Hirit naman ni Aiko, “At saka when you get to know him pa mas gumuguwapo kasi ang ang bait ‘no?”

“Nabati palang niya ako ng ‘hi Roxanne’ l, ganu’n palang hindi pa kami nagkakatsikaha,” sabi pa ng sexy star.

“Naku you have to meet him in person,” payo naman ni Aiko sa dalaga.

Si Piolo ang number one sa sexiest local actor ni Roxanne, sinundan ni Jericho Rosales.

Kuwento naman ng dalaga tungkol kay Echo, “Nu’ng college rin.  Nakaupo kami ng mga blackmates ko sa Mirriam (College) meron kaming tinatambayan na gas station sa Katipunan tapos may nagpa-gas na naka-motor.

“Tapos bibili ng something sa convenient store. Pagparada niya with the ribbing up tanggal ng helmet parang ‘haaa’ parang pelikula, nag-slow-mo (motion) sa kanya tapos hiyawan ‘yung mga friendship ko, kasi malay ba namin kung sino ‘yung nagtanggal ng helmet.”

Ang ikatlong sexy sa paningin ni Roxanne, Si Vin (Abrenica), kasi ang talino ni friendship, ‘yung talino niya very subtle pero pa-deep siya.  ‘Yung personality niya, fit his role and feeling ko na-challenge siya pero it’s easier to portray Madrigal (Jepoy Madrigal sa Wildflower) and if he was given a nice scene, he takes hold of it and execute really well talaga.”

Sa tanong ni Aiko kung single si Roxanne, “dating,” diretsong sagot ng aktres.

Anong meron si Nathalie (karakter sa Wildflower) na pareho sa ugali in real life ni Roxanne.

“Naka-relate ako sa pagmamahal sa father kasi daddy’s girl ako.  She will do anything for her father na kahit na sa heaven na ang father niya, ang dami pa rin niyang ganap to make her daddy proud and she’s not afraid to change,” kuwento ng dalaga.

At ang paboritong linya ni Roxanne sa Wildflower, “My boyfriend is not a book, nor is he a toy that can be borrowed or share, my boyfriend is mine, just mine.  Do you understand?’ Kasi ganu’n din ako.  Hanap ka ng sarili mo, girl!” tumawang sabi ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinang-ayunan naman ni Aiko ang linyang ito dahil ganito rin siya sa boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.

“Kasi ang daming babaeng parang gustong maki-share.  Sharing is not allowed here, sorry, go for another guy,” say ng feisty at fearless girlfriend ni VG Jay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending