DANIEL, KATHRYN pinintasan ang pagsama sa relief operation


Kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa mga tumulong sa pagbabalot ng relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo.

Saw photos of them sa Facebook while they were packing some goods for the flood victims. Meron pang kuha sa bahay ni Daniel habang nagpa-pack sila ng mga goods.

Pero as usual, tumutulong na nga, napintasan pa sina Daniel at Kathryn, “Pakitang tao… hahaha,” one guy commented.
“Naispatan talaga? Part yan ng promotion ng show nila.

Pero at least tumulong diba? Kaysa naman sa hindi na nga tumulong wala pang show. Hakhakhak,” sarkastikong komento naman ng isa. Ang daming naasar sa nagda-doubt sa motibo ng pagtulong nina Kathryn at Daniel.

“Ibang pinoy dyan grabe magsalita…pag tumulong may sinasabi, pag hindi tumulong may sinasabi pa rin…lahat ata ng mabasa ko sa lahat ng tumutulong na artista laging may bad comment, y don’t u look @ urself muna…before u look @ what other people r doing.

“At least their helping but what have you done…coz I would have helped if I was in pinas….instead of talking bout other people…use ur time to do something good!” say ng isang nagtanggol sa love team nina Daniel at Kathryn.

“Anu ba yan..hnd na nga nagpapakita sa camera o media ang mga stars ng abs cbn..para hnd masabi ng iba na attention seekers sila..eh wala eh..dami talagang fans di mapigilan ang mga kumukuha ng picture..sa kabilang dako nmn…kasama pa ang camera man at reporter ng gma..ahahahaha,” may halong katotohanang comment ng isa pa.

Oo nga. Napansin lang namin, parang laging iniintriga ang mga celebrities na tumutulong sa panahon ng kalamidad. Laging sinasabi na put-on lang ang kanilang pagtulong, na isang palabas lang iyon, projection ng kanilang magandang imahe.

But come to think of it, wala naman sigurong celebrity ang tutulong kung meron siyang vested interest at publicity lang ang kanyang habol. Oh, well, meron din kasing mga artista na na-master na ang kaplastikan.

( Photo credit to Google )

Read more...