EUGENE DOMINGO bumagsak ang katawan, grabe na ang kapayatan


GRABE ang katawan ngayon ni Eugene Domingo! As in ang payat-payat-payat niya! Pero in fairness, hindi naman siya mukhang tuyot, hindi rin tumanda ang itsura niya kahit nabawasan siya ng sobra-sobrang timbang.

Muli naming nakita si Eugene kahapon sa presscon ng pelikulang “Instant Mommy” na isa sa mga blockbuster hit sa nakaraang Cinemalaya, ipalalabas na ito finally nationwide sa mga paborito n’yong sinehan sa Aug. 28.

May nagtatanong kasi as amin kung nagkasakit daw ba si Uge kaya biglang nalaglag ang kanyang katawan – base sa nakita naming itsura ni Uge kahapon, masasabi naming healthy ang lola n’yo.

Mukha namang hindi siya nanggaling sa malubhang kundisyon dahil ang fresh-fresh ng kanyang aura. In fairness, bumata talaga ang itsura ni Uge, hindi siya tulad ng ibang artistang pumapayat na parang galing sa matinding karamdaman.

Tsaka, ang kinis-kinis pa niya ngayon, ha!    Anyway, para sa lahat ng mga hindi nakapanood ng “Instant Mommy” sa Cinemalaya, ito na ang chance n’yo para ma-enjoy ang movie.

Kasama ni Uge rito ang Japanese Hollywood actor na si Yuki Matsuzaki bilang leading man na talagang bumalik sa Pilipinas para sa promo ng movie.

Gaganap bilang Bechayda si Uge na isang wardrobe assistant na nakatakda na sanang ikasal sa isang Hapon na si Kaoru (Yuki Matsuzaki).

Maganda ang takbo ng kanilang relasyon pero bigla itong magbabago nang malaglag ang baby na kanyang ipinagbubuntis. Pero ililihin niya ito sa kanyang fiancé at dito na magsisimula ang kakaiba at challenging life ni Bechayda.

Bukod sa ilang love scene nina Uge at Yuki, tutukan n’yo rin daw  ang pagpapakita ni Eugene ng kanyang boobs. Ang eskenang ito ang isa sa mga pinag-usapang paandar sa narakaraang Cinemalaya. Ha-hahaha!

Para naman sa mga nagtatanong kung sino si Yuki Matsuzaki, siya ay napanood na natin ilang Hollywood movies tulad ng na “Letters from Iwo Jima” at “Pirates of the Carrebean”.

Talagang siya ang napili ng mga producers ng pelikula na gumanap bilang partner ni Eugene dahil sa laki ng pangalan nito sa Japan at iba pang bahagi ng mundo.

Kasama rin sa “Instant Mommy” sina Luis Alandy, Rico J. Puno, Shamaine Buencamino, Tuesday Vargas at ang anak ni Jose Manalo na si Nicco Manalo. Ito’y sa direksiyon ni Leo Abaya.

Isa si Kris Aquino sa mga producers ng movie kasama sina Josabeth Alonso, Chris Martinez, John Victor Tence at Leo Abaya.

( Photo credit to Google )

Read more...