SIGURADONG ngayon pa lang ay super excited na ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa bago niyang journey bilang TV host.
Siya ang napili bilang host ng bagong documentary ng GMA 7 na “Lockdown: Food Diaries”.
Nitong nagdaang Biyernes ng gabi ipinakilala si Alden bilang mukha ng upcoming docu program produced by GMA Public Affairs.
Matagal-tagal ding na-curious ang viewers at netizens kung sino nga ba ang host ng nasabing palabas.
Pero para sa mga loyal at die hard fans ng Pambansang Bae, sa teaser pa lang ng show ay nahulaan na nila na si Alden ang magiging host nito.
Para sa GMA executives pati na rin sa mga tagasuporta ng Kapuso Drama Prince, swak na swak para kay Alden ang nasabing dokyu dahil bukod sa pagiging artista, businessman din ang binata.
At kagaya ng ibang negosyo, naapektuhan din nang husto ang kanyang food business dahil sa pandemic.
Tatalakayin kasi sa nasabing dokyu kung paano binago ng pandemya ang food industry at kung paano nga ba naapektuhan at nag-adjust ang iba’t ibang sector upang harapin ang epekto ng COVID-19
In demand nga talaga si Alden hindi lang sa paggawa ng TV shows kundi pati na rin sa mga socio-civic activity.
Kamakailan lang ay hinirang si Alden bilang Anti-COVID-19 Awareness Campaign Ambassador ng Department of Health.
Sa Sept. 27 na eere ang “Lockdown: Food Diaries,” 3:45 p.m. sa GMA Network.
Samantala, ang tanong ngayon ng fans ay kung matutuloy pa ang pagsasamahang show nina Alden at Jasmine Curtis sa GMA na “Love on the Balcony”.
Kasama ito sa mga unang epidodes na in-announce ng GMA para sa bago nilang mini-series na “I Can See You”.
Balitang natapos na ang “The Promise” episode ng “I Can See You” na pagbibidahan nina Paolo Contis at Andrea Torres.
Hintayin na lang natin ang final announcement ng GMA kung mapapanood pa natin ang tambalang Alden-Jasmine.