Pia dedma noon sa pagsikat, paglubog ng araw: Pero dahil sa COVID na-appreciate ko na siya

NAGING emosyonal si Pia Wurtzbach nitong nakaraang araw habang iinisa-isa ang mga positibong epekto sa buhay niya ng COVID-19 pandemic.

Sa kabila ng matinding dagok na dulot ng pandemya sa buong mundo ay may magagandang nangyari pa rin naman sa buhay ng mga Filipino.

Ayon kay Pia, napakarami niyang realizations ngayong panahon ng krisis, una na riyan ang

Sa kanyang Twitter account, nag-post ang beauty queen-actress ng kanyang litrato kung saan makikita ang napakagandang sunset.

Inamin ng dalaga, na mas naa-appreciate niya ngayon ang mga ganitong eksena sa kapaligiran na isa sa rin mga nagdudulot ng kaligayahan sa kanya.

“I’m a city girl and I love the fast paced lifestyle. I got used to living in cities with tall buildings and I have to admit, I was never really crazy about sunsets, sunrises or anything with a view.

“Parang sa akin kasi araw araw namang nangyayari yan so bakit ko tititigan?” mensahe ni Pia.

Patuloy pa niya, “Pero nitong quaratine parang sobrang naappreciate ko na sya. Ngayon naiintindihan ko na.

“Naaappreciate ko na mag hiking, naaappreciate ko na yung feeling ng araw sa mukha ko, yung pag lubog ng araw, paglalangoy sa dagat (kahit na di naman ako marunong lumangoy basta LAHAT).

“’Yung nature sobrang naappreciate ko na at naiintindihan ko na kung ano yung nakikita ng ibang tao sa kanya,” lahad pa ng dalaga.

Ibang klase raw ngayon ang epekto sa kanya ng nature ngayon, “Sobrang stress reliever pala talaga nya. Alam kong napaka swerte ko na maexperience ito kaya sobrang grateful ako.”

At tulad ng laging sinasabi ni 2018 Miss Universe Catriona Gray, palaging hanapin ang “silver lining” sa bawat problema o negatibong bagay.

“May mga magandang naituro rin pala itong COVID sa akin like going back to basics.

“Iba na tingin ko sa mga sunsets ngayon. Ayun. Wala lang, shinare ko lang,” pahayag pa ng Kapamilya host-actress.

Read more...