Halos 5,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (September 12), umabot na sa 257,863 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 66,455 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,935 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
89.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.2 porsyento ang asymptomatic; 1.1 porsyento ang severe habang 1.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 186 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 4,292 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 659 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 187,116 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.