Dingdong sinaluduhan si Jen sa huling taping ng ‘DOTS’, nagpaalam sa combat boots ni Big Boss

NALALAPIT na ang pagbabalik sa telebisyon ng primetime series na “Descendants of the Sun PH” matapos ang ilang araw na lock-in taping ng production.

Ayon kay Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado na gumaganap bilang Dra. Maxine, pinaghandaan nilang maigi ang pagbabalik nila sa taping.

Kuwento niya, “Nag-Zoom reading kami until the end of the episode para kasado na lahat. We also made sure na nag self-quarantine kami bago sumabak sa taping.

“Nag-sanitize rin ng lahat ng gamit na inimpake for nine days. Nagdala rin kami ng sariling food and snacks para makasigurong malinis lahat,” ani Jen.

Samantala, naging sentimental at emosyonal naman ang leading man ni Jen na si Dingdong Dantes nang mag-last day taping sila kahapon.

Sa Instagram, nag-share ng litrato ang Kapuso Primetime King habang nasa script reading sila ni Jennylyn para sa kanilang last scene.

“A snappy salute to @mercadojenny for such an excellent and effective performance!” ang papuri ni Dong kay Jen.

Sa isa pa niyang IG post, binigyan pa niya ng isang “symbolic farewell” ang combat boots na ginamit niya bilang si Capt. Lucas Manalo o si Big Boss.

“Been wearing these boots for almost a year now to give life to Capt. Lucas Manalo. Now, it is time to loosen these laces to make way for the next journey. Mission accomplished!” caption niya sa ipinost na litrato.

Read more...