Mga produktong ineendorso ni Kris noon swerte pa rin; Bimby 13 pa lang pero 6-footer na

ANG suwerte ng mga produktong hindi na ineendorso ng mag-iinang Kris, Joshua at Bimby Aquino dahil nababanggit pa rin nila ito kaya libreng promo na rin.

Alam naman ng lahat kung gaano pa rin karami ang fans at supporters ng Queen of Social Media at talagang binibili rin ito ng publiko.

Kaya namin nabanggit ito ay dahil nakatuwaan ni Kris na sukatin kung sino ang mas matangkad kina Josh at Bimb at nakagugulat nga dahil konti na lang ay aabutan na ng bunso ang panganay na anak.

Nag-post si Kris ng larawan ng magkapatid na magkatalikuran para makita kung sino ang mas matangkad.

Ang caption ni Kris, “Kuya Josh spent more than a month in Tarlac, I asked to see how close the 2 are in terms of their height let’s check again in December if Bimb will already be as tall as his kuya.

“Sagutin ko na in advance yes, DNA is a big factor- but up to now Bimb starts his day with a big glass of fresh milk with Milo, no longer something we endorse but kinalakihan ni Bimb and medyo weird.

“But when I was weaning him from the bottle, I was able to convince Bimb to drink fresh milk by still mixing 2-3 scoops of Nido into the big glass the 2 are dedicated milk drinkers, and my friends know my coffee is actually milk w/ a bit of coffee- so we’re a family of milk drinkers I like semi-skimmed, vitamin enriched milk.

“Kuya is 6’2, basing it from this picture it’s safe to say 13 year old Bimb is now a 6 footer. #family.”

Ang daming nagsabing mas mauungusan ni Bimb ang kuya Josh niya dahil sa edad niyang 13 ay growing child pa rin siya.

Ilang oras palang itong na-upload ni Kris ay umabot na sa mahigit 50k ang likes at marami na rin ang nagbigay ng kanilang komento.

Ayon kay @paviyow, “Pag ikaw nagca-caption natutuwa akong basahin kahit super haba kase I can hear your voice in my head while I’m reading this.”

Sabi rin ni @rlon43, “Sobrang nakaka-miss mga post n’yo po. ‘Yung iintayin mo kahit isang post sa isang araw.”

“Mukha na naman ako matabang dwende pagkatabi ko ‘yung 2. Miss you and the 2 gwapos. Stay safe!,” mula kay @spamelaham.

Napapasaya naman ni Kris si @beckyyupo, “Happy is my day, may post uli si Ms. Kris. Everyday, I just open my phone to see if you have some post/s. Nakakaalis ng boredom and everything you say it is always worth the wait. Thank you.”

Samantala, naniniwala ang make-up artist ni Kris na si RB Chanco na tatanggkad pa si Bimb, “Feeling ko 6’5 sya by 18.”

Pero umapela si Kris, “@rbchanco you said up to 6’4 lang or awkward na. Thanks RB!”

Read more...