COA kinuwestyon ang notice to proceed ng Kaliwa Dam project na walang ECC

Ang mga katutubong Dumagat habang namamangka sa  Kaliwa-Agos River sa Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon. (Richard A. Reyes/Inquirer)

Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang pagbibigay ng notice to proceed sa P12-bilyong Kaliwa Dam project bagama’t wala pa itong environmental compliance certificate (ECC).

Sa kalalabas lamang na 2019 annual audit report para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System, binusisi ng COA ang pag-iisyu ng MWSS ng notice to proceed para sa detalyadong engineering, design at konstruksiyon ng proyekto na iginawad sa China Energy Engineer Company Inc.

Ayon sa state auditors, ang mga rekisitos sa pagkakaron ng ECC ay di pa natutupad, kabilang na ang free and prior informed consent ng mga katutubong maapektuhan ang kabuhayan at komunidad ng proyekto.

“The Resolution ng Pagpayag (RP), allegedly executed by the members of the tribal groups/indigenous people’s (Ips) living within the MWSS Kaliwa Dam project site, is a requirement for the Free and Prior Informed Consent (FPIC) and a condition precedent to the issuance of the ECC, is not compliant with the guidelines under NCIP Administrative Order No. 3, s, 2012,” ayon sa COA.

“Hence, (this) renders the project proponent non-compliant with the CC, and thus affects the effectivity of the Loan Agreement and the Commercial Contract,” sabi pa ng state auditors.

Napuna rin ng mga COA examiner na hindi binanggit sa RP na inisyu ng Dumagat/Remontado tribe ng General Nakar, Quezon ang mga pangalan ng tribal leaders at elders na magpapatotoo sa pagkakakilanlan ng mga katutubong pumirma sa resolusyon.

Kinuwestiyon din ng mga auditor ang hindi pagtugma sa petsa na nilagdaan ang mga dokumento at ang kawalan ng notaryo sa mga ito.

Binigyang-diin ng COA na ang umano’y kaduda-duda at kwestyonableng dokumento ng pagpayag ng mga katutubo ay nasuportahan sa isang hearing sa Senado noong Enero 22 nang kuwestiyunin ng ilang stakeholders at tribal groups ang pagiging lehitimo ng mga sinasabing kumatawan sa kanila sa dokumento.

“Within these groups include residents who argued that they were neither consulted nor informed on the implementation of the project,” sabi pa ng COA.

“The failure to produce a valid Resolution of Consent and the corresponding MOA renders the consent defective and doubtful. This is without regard to the fact that no RP was submitted for the IPs in the Tanay, Rizal area,” ayon sa COA.

“They even questioned the eligibility of the members who signed the RP,” dagdag pa ng report.

Inatasan ng COA ang MWSS na bumuo ng balido at nararapat na resolution of consent na alinsunod sa mga hinihingi ng National Commission for Indigenous Peoples.

Bilang reaksiyon, sinabi naman ng MWSS na ang pag-isyu ng FPIC mula sa mga apektadong indibidwal ay napigilan ng mga protesta ng iba’t ibang interest groups.

Ilang bahagi ng General Nakar at Infanta sa lalawigan ng Quezon ang lulubog sa tubig dahil sa proyekto. Ganundin, maapektuhan din umano nito maging ang Sierra Madre sa Tanay, Rizal.

Samantala, sinabi rin ng mga auditor na ang pagkabigo ng MWSS na i-expropriate ang mga lote para sa right of way ay itinuturing na batayan para tapusin ang kontrata sa ilalim ng bagong batas.

“The expropriation of lots particularly for the right of way affected by Kaliwa Dam Project is still pending, hence considered a ground for the termination of the contract under Section 17.6 of the Revised Implementing Rules and Regulations of the Republic Act 9184 also known as the Government Procurement Reform Law,” pahayag ng COA.

“The pending status of the right of way acquisitions and court proceedings for the expropriation of lots to be utilized for the dam site, treatment plants, tunnel conveyance outlet, access roads and other permanent structures can adversely affect the duration of the project,” ayon sa COA.

Ipinaliwanag naman ng MWSS na naantala ang expropriation proceedings dahil sa community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Sinabi  ng mga state auditor na dahil ang kontrata sa pagitan ng MWSS at ng CEEC ay hindi saklaw ng anumang tratado, kailangang manaig ang mga probisyon ng RA 9184.

Alinsunod sa RA 9184, ang NTP ay kinakailangang ipalabas pitong araw mula sa petsa ng pag-apruba sa kontrata at matapos itong tanggapin ng contractor na itinuturing nang nakasunod sa lahat ng rekisito na itinatakda sa ilalim ng loan agreement.

Ang sinasabing commercial contract ay itinuturing na walang bisa sa kadahilanang hindi nasunod ang mga rekisito.

Ang Kaliwa Dam, na may taas ang 60 metro, ay inaasahang magbibigay ng  600 milyong litrong tubig araw-araw. Ito ay itatayo sa lugar na nasasakupan ng mga lalawigan ng Rizal at Quezon.

 

 

 

 

 

Read more...