Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Oriental Mindoro.
Ang lindol ay naitala sa layong 4 kilometers southwest ng bayan ng Naujan alas 12:52 ng hapon ngayong Biyernes, Sept. 11.
Ayon sa Phivolcs, 26 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity III – Puerto Galera, Calapan City, Oriental Mindoro
Intensity II – Calatagan, Batangas
Intensity I – San Jose, Occidental Mindoro; Roxas, Oriental Mindoro
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES