“GRADUATE” na rin ang singer-comedienne na si Kakai Bautista sa killer virus na COVID-19.
Inamin ni Kakai na nag-positive siya sa coronavirus pero matapos ang 14 days quarantine ay matagumpay niya itong nalabanan.
Ipinaalam niya ito sa publiko sa pamamagitan ng Instagram para magsilbing warning at inspirasyon na rin sa lahat na marami pa rin ang gumagaling sa COVID.
“Today, on my 14th day, I graduated from COVID University. I got another test today and the result was negative,” simulang pahayag ni Kakai.
“I am making it public so that I may be able to share my journey to all of you and raise more awareness. Guys, COVID is not a joke.
“Oo, sakit s’ya, virus s’ya. Pero mas parang ikakamatay mo ang fear and anxiety ‘pag nagkaroon ka.
“But when I learned that I have it, 2 bagay lang ang sinabi ko kay Lord. ‘Lord, hindi pa ako pwedeng mamatay kasi mababawasan ng maganda ang mundo’ and ‘Lord, I surrender everything to you.’ And I was OK,” lahad pa ng komedyana.
Aniya pa, “Nagpaka-normal ako dahil alam kong mas magkakasakit ako kapag hindi ako umayos sa isip at sa gawa.
“Akap and prayers sa lahat ng may pinagdaanan sa walanghiyang virus na ito. Matatapos din ito, guys. Kapit lang tayo sa pag-asa at faith. Isa lang ang dapat positive — mindset,” sabi pa ni Kakai.
Ang singer-comedienne ang nadagdag sa listahan ng mga celebrities na tinamaan ng COVID. Nauna nang gumaling sa virus sina Christopher de Leon, Iza Calzado, Sylvia Sanchez, Michael V at iba pa.