Billy kay Coleen: I’m so proud to be your husband and to be the father of our angel

HINDI sapat ang anumang mga salita sa nararamdaman ni Billy Crawford nang makita ang bagong silang na anak nila ni Coleen Garcia.

Kahapon, Sept. 10, isinilang na ni Coleen ang panganay nila ni Billy na pinangalanan nilang Baby Amari sa pamamagitan ng water birth.

Ibinahagi ng TV host-actor ang kanyang na-feel nang unang masilayan ang anak sa latest niyang Instagram post.

“Words can’t express what I’m feeling right now. Let me just say, thank You Father God for You have given us an angel!
“Also, bow and salute to you my strong, fearless, gorgeous, and loving wife!

“I have nothing but respect and gratitude for you!

“I am SO PROUD to be your husband and equally proud to be the father of our beautiful angel Amari! I’m proud of YOU!

“I LOVE YOU MY 2 LIL EVERYTHINGS,” ang inilagay niyang caption.

Bago ito, nauna nang ibinalita ni Coleen sa madlang pipol sa pamamagitan din ng IG ang kanyang panganganak.

“There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari,” ani Coleen.

Makikita sa isang photo ang aktres kalong ang baby habang hinahagkan siya ng asawa.

Ikinasal sina Billy at Coleen noong April, 2018 sa Balesin Island. Noong June 10 naman in-announce ng mag-asawa sa isang online gender reveal party na lalaki ang kanilang first-born.

Read more...