True ba, si Korina ang ipinalit kay Kris para sa bagong show ng TV5?

KRIS Aquino’s loss is Korina Sanchez’s gain.

That’s what it appears to be kung true ang chikang si Korina ang ipinalit ng producer kay Kris sa dapat sana’y show nito sa TV5.

‘Yan kasi ang kumakalat na chika sa social media ngayon, na pinalitan ni Korina si Kris.

Inamin na ni Kris sa kanyang latest Facebook show na tsinugi siya ng producer niya at pinalitan ng mas “viable” na personality.

Alam niya marahil kung sino ang ipinalit sa kanya and to avoid being hurt ay hindi na niya ito pinangalanan.

Ang problema kasi kay Kris, hindi niya ma-control ang kanyang excitement. Agad-agad siyang nagpahiwatig na magbabalik na siya sa television kahit na hindi pa siya nakakapag-pictorial o hindi pa nakakapag-tape man lang maski isa o dalawang episode.

Sa kanyang excitement, ayan, nabantilawan ang kanyang pagbabalik.

To probably cushion the impact, pinalalabas ng kampo ni Kris na hindi pa siya physically ready to do a show.

At ang masakit pa dito, isang nakaalitan niya ang ipinalit sa kanya. What would be more hurting than that?

Ang chika kasi, ibabalik ng producer ang magazine show ni Korina sa TV5. Ang unang pagpaparamdam ni Korina ay ang TV guesting niya sa show ni Luchi Cruz-Valdez.

Sa pagkakaalam namin, hindi na naman nagre-rate ang weekend show ni Korina. Hindi ba’t kinailangan itong iiwas sa show ni Jessica Soho dahil iwinawasiwas ito sa rating. Ang nakita nilang solusyon ay ibahin ang timeslot nito kaya ginawang mas maaga para hindi makasabay sa show ni Jessica.

Read more...