Neri nakabili ng condo dahil sa tuyo, suka: Ang bida nabubugbog muna bago manalo, tingnan mo si FPJ!

DAHIL sa pagtitinda ng tuyo, suka, kape at kung anu-ano pa, gumanda ang buhay ni Neri Naig at ng kanyang pamilya.

Sa katunayan, nakabili pa siya ng bagong condominium unit kamakailan mula sa mga kinita at naipon niya sa online selling.

Sa Instagram account ng actress-restaurant owner, ipinost niya ang photo ng na-acquire niyang bagong property at nagpasalamat sa lahat ng tumangkilik sa kanyang mga business.

Aniya sa caption, “Thank you, Lord! Isa na namang biyaya from You po.

“Dahil sa pagtitinda ng tuyo, suka, kape, beddings, sleepwear, at accessories online.. nakabili ng isang condo sa may tabing dagat. Sobrang proud ako sa sarili ko dahil pinaghirapan ko ang lahat ng mga nainvest ko. Nakakaiyak!”

Patuloy pa niya, “Salamat sa lahat ng nagbigay ng birthday messages sa akin. Grabe kayo, nakakaiyak! Feeling ko ang bait bait ko, haha! Pero seriously, salamat sa messages nyo pong lahat. Ang sarap sa pakiramdam na may tama pala akong ginagawa sa earth, hehe!”

Mas naging makabuluhan pa ang tagumpay niya dahil marami rin siyang natutulungang Pinoy na umaangat din ang buhay.

“Ang dami ko na palang ‘nabago’ ang mga buhay sa pamamagitan ng pag inspire sa lahat na walang imposible sa mga taong may mga pangarap, ang mga masisipag, at may determinasyon.

“Lahat ay posible dahil may Diyos at Allah sa buhay at puso nating lahat. At kapag nakaraos sa hirap, ang blessings natin ay dapat i-share sa mga taong naging katulad natin noon na nahirapan pero bumabangon at lumalaban.”

“Thank you, Lord, sa lahat po ng blessings! Dati ay palagi po akong nagtatanong sa Inyo po kung bakit parang ang hirap naman ng buhay ko.

“Yun pala ay hinahanda Nyo po ako sa kung ano at meron po ako ngayon. Maraming salamat po, Lord, at di po Nyo ako sinukuan bagkus ay ginabayan Nyo po ako,” mensahe pa ng misis ni Chito Miranda.

Hirit pa ng aktres, “Sa makakabasa nito, ikaw na ang susunod, wag ka lang susuko!” she said. “Tulungan kita, magbenta tayo! Hahaha! Nagpromote pa ih!

“Seriously, kaya mo yan, wag kang susuko. Tandaan, ang bida ay nabubugbog muna bago manalo, tingnan mo si FPJ, hehe! Bugbog na hindi literal ha? Ibig kong sabihin, syempre mauuna ang hirap at sakripisyo bago mo makita at matikman ang success.

“Kanya kanyang time tayo, sa ngayon ako naman, it is my time to shine, hihi! Ikaw na ang next! Maniwala ka lang!” huling chika ni Neri.

Read more...