Iya Villania buking: nagpapadede habang nagre-report sa 24 Oras

PARA sa mga proud “padede mom”, gagawin nila ang lahat para sa anak na umiiyak at nagugutom.

Anumang oras at kahit nasaan man, handa ang mga nanay na mag-breastfeed kung kailangan na ng kanilang mga baby.

Tulad na lang ng Kapuso TV host-actress na si Iya Villania na kahit pala nagtatrabaho ay nagmu-multitasking bilang asawa at ina.

Mismong si Iya ang nagbuking na habang nagre-report siya nang live sa Chika Minute ng “24 Oras” ay pinadede rin niya ang one-month-old baby nila ni Drew Arellano na si Alana Lauren.

Sa Instagram Stories, ibinahagi ng TV host ang behind-the-scenes ng kanyang live report habang bine-breastfeed si Alana Lauren.
Caption niya rito, “One of the perks of working from home.”

Hirit pa niya, “You’d never even guess there’s a baby feeding,” with matching laughing emoji.

Kamakailan, pinuri rin si Iya ng asawang si Drew dahil talagang isa siyang dedicated at hands on nanay and at the same time bilang working mom.

Ipinost pa ni Drew sa Instagram ang photo ni misis habang pinadedede ang bunso nilang anak habang tutok na tutok at nagta-type sa laptop.

“Now that’s DEDE-cation,” ani Drew sa kanyang caption.

Read more...