Yam ‘dream come true’ makatrabaho si Eula; Ruffa bilib sa produksyon ng ‘Love Thy Woman’

NGAYONG hapon na (Sept. 11) ang pinakainaabangang ending ng Kapamilya serye nina Kim Chiu at Xian Lim na “Love Thy Woman”.

Isa sa cast members na talagang inaatake pa rin ng “sepanx” (separation anxiety) sa pagtatapos ng “LTW” ay si Ruffa Gutierrez.

Kaya naman todo pasasalamat ang former beauty queen-actress sa lahat ng sumubaybay sa kanilang kuwento na puno ng rebelasyon mula at tinututukan sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online World.

“Kung pwede ko lang sila sulatan isa-isa. Hindi lang sa Pilipinas, talagang from all over the world. I think that is really the strength also of ABS-CBN, talagang worldwide in the service of the Filipino,” kuwento ni Ruffa sa “I Feel U” ni Toni Gonzaga.

Ayon pa kay Ruffa, mayroong mga nag-alinlangan sa tagumpay ng kanilang programa dahil sa pagkawala ng ABS-CBN sa free TV pero pinatunayan ng mga manonood na patuloy ang kanilang pagsuporta sa Kapamilya network maging sa online.

“Maraming-maraming salamat kasi number one kami sa lahat ng online streaming sa Kapamilya Online Live. Talagang tinututukan kami not only here but abroad,” saad ni Ruffa na gumanap bilang si Amanda del Mundo.

Bukod sa fans, pinasalamatan din niya ang kanyang mga katrabaho na sa kabila nga ng mga pagsubok at kahit nasa gitna ng pandemya, ginusto nilang magtrabaho para makapagbigay kaligayahan sa mga manonood.

“Everytime I look back, bilib na bilib ako talaga sa amin, sa buong cast, crew, staff. Napakahirap gumawa ng isang production. Napakahirap i-maintain ‘yung excitement with everything going around,” sabi ni Ruffa.
Para naman kay Yam Concepcion, isang malaking achievement para sa kanya ang makatapos ng isang serye sa gitna ng pandenya.

“Now that it’s coming to an end I feel sad about it but at the same time I feel parang accomplished na nakatapos ako ng isang teleserye ulit at I consider it a milestone kumbaga,” chika ni Yam.

“Just reflecting on it, I feel very fortunate to have worked with such talented actors, especially mga veteran katulad nila Christopher de Leon and Eula Valdez in particular, kasi I’ve always wanted to work with Eula Valdez dahil noong napanood ko siya sa ‘Pangako Sa ‘Yo’ sabi ko, ‘sana.’ I mean who would have thought na siya pa ang magiging nanay ko sa teleserye,” sey pa ng dalaga na gumaganap bilang Dana Wong, anak nina Lucy Wong (Eula) at Adam Wong (Boyet).

“Now that I’m thinking about it I’m so blessed na makasama ako doon sa show na ‘yon. Salamat Dreamscape for giving me this opportunity to be in a great show like ‘Love Thy Woman,'” aniya pa.
Samantala, marami pang rebelasyon ang dapat abangan sa huling araw ng “Love Thy Woman” sa pagkamatay ni David (Xian), na kagagawan ni Dana (Yam Concepcion) matapos niyang hindi sinasadyang mabaril ang dating asawa.
Dahil dito, sisiguraduhin ni Jia (Kim) na makukuha niya ang hustisya para sa lalaking mahal at hindi titigil hangga’t hindi napaparusahan si Dana para sa lahat ng kanyang kasamaan.

Magkaroon pa nga kaya ng pag-asang mabuo ang pamilya nilang winasak ng galit at poot? Sino nga ba sa mga babaeng Wong ang magtatagumpay sa huli?

Alamin kung sino ang “the last woman standing” sa “Love Thy Woman,” ngayong hapon, 2:30 p.m., sa Kapamilya Online Live sa Facebook page at YouTube ng ABS-CBN Entertainment, at sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SkyCable channel 8 SD and 167 HD, Cablelink channel 8, GSat Direct TV channel 22, and PCTA-member cable operators).

Read more...