Yes, as in two years nang LDR o long distance relationship ang magdyowa. Naka-base na kasi ngayon sa Australia si Kent dahil doon na siya nagtatrabaho.
Pero ayon sa host ng “The Boobay and Tekla Show” host kahit pinaghiwalay sila ng tadhana at ng pandemya, mas dumadalas daw ngayon ang kanilang communication.
Aniya, “Pero ang maganda naman doon sa Australia ngayon, parang okay na ‘yung COVID-19 doon at nakabalik na siya sa work.
“At ang maganda, mas nagkaroon kami ng madalas na communication.
“Yun ‘yung pinakaimportanteng nangyayari sa amin ngayon.
Nakakapag-usap kami every now and then,” ani Boobay sa panayam ng GMA.
Kuwento pa ng komedyante, talagang mahirap ang LDR pero kinakaya nila para sa kani-kanilang pamilya at mga pangarap.
Sey ni Boobay, thankful siya at kahit paano ay nakapag-bonding sila ni Kent nang bonggang-bongga bago nagsimula ang lockdown.
“Last February kasi umuwi siya dito sa Pilipinas so nag-Boracay kami. Buti na lang lumipad siya pabalik ng Australia a week before the lockdown.
“Kung hindi siya talaga nakauwi noon, naku, nandito pa rin siya until now,” lahad ng Kapuso comedian-TV host.
Samantala, ngayong Linggo (Sept.13), tutukan ang masaya at nakakaintrigang chikahan nina Boobay at Supet Tekla kasama si Mark Bautista sa bagong episode ng TBATS, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho, sa GMA 7.