Coleen Garcia nanganak na: Thank you Lord for our beautiful Amari!

NANGANAK na si Coleen Garcia sa panganay nila ni Billy Crawford ngayong araw, Sept. 10.

Sa kanyang Instagram page, ibinandera ng Kapamilya actress ang ilan sa kanyang litrato matapos manganak.

“There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari,” ang caption ni Coleen sa kanyang IG post.

Makikita sa isang photo si Coleen kalong ang baby habang hinahagkan siya ng asawa.

Isinilang ni Coleen ang first baby nila ni Billy sa pamamagitan ng water birth na pinangalanang Amari.

Talagang plano na ni Coleen na sa bahay na lang manganak matapos makatanggap ng ilang advice mula sa mga kaibigan niyang mommy na rin. Ito’y para makiwas na rin sa panganib dulot ng COVID-19.

“It’s such a unique time na kahit na anong advice ang hingin ko from different mommies, iba pa rin kasi ang time na ‘to.

“Like right now, we’re praying for a successful home birth. So, we’re not gonna go to a hospital. Mahirap talaga!” sabi ni Coleen sa isang panayam.

Ikinasal sina Billy at Coleen noong April, 2018. Noong June 10 naman in-announce ng mag-asawa sa isang online gender reveal party na lalaki ang kanilang first-born.

Read more...