Frankie tinawag na ‘KSP at miserableng bata’ ng basher: Be like your Ate KC!

WALANG patumanggang tinawag ng basher si Frankie Pangilinan na miserableng bata na uhaw sa atensyon.

Bukod dito, humirit pa ang nambasag sa anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan tigilan na ang pagpapapansin at tumulad na lang sa kanyang Ate KC Concepcion.

Pero siyempre, hindi basta-basta nanahimik si Frankie sa pambu-bully ng nasabing hater at talagang binuweltahan din niya ito.

Nagsimula ito nang mag-react si Frankie sa isang tweet ng kanyang fan na nagre-request na sana’y mag-release na siya ng bagong single.

“If it wasn’t for miss rona (coronavirus) I would’ve had many new singles out by now. but I also wouldn’t have written an album so we’ll see,” tugon ng dalaga sa kanyang follower.

At may isang Twitter user nga ang nagkomento na huwag na siyang magsayang ng oras dahil wala namang bibili ng album niya. Idinamay pa nga nito ang ama ng dalaga na si Sen. Kiko.

“No one will buy your album so save yourself from wasting time. Be like your Ate KC!

“You are one miserable child seeking a lot of attention, kaya nagwawala sa Twitter? Tulad ng tatay mo? Trying to be relevant kahit wla ng nakikinig sa kanya lol,” ang panglalait pa ng netizen sa anak ng Megastar.

Ito naman ang banat ni Frankie sa kanya, “And yet here I am, living rent free in your brain sir.

“Can someone tell the boomers nobody buys albums anymore,” hirit pa niya sabay sabing, “‘Miserable child seeking attention’ isn’t that just all of gen-z?”

Palaging ikinukumpara si Frankie sa half-sister niyang si KC na ilang beses na ring pinalagan ng nanay nilang si Sharon. May mga nagsasabi na di hamak na mas maganda si KC kesa kay Frankie.

Reaksyon ni Shawie rito, “Ganoon kasama ang tao. I’m so sorry, honey. You don’t deserve that.”

“And in the end, that’s not what matters. Physical beauty fades. She’s really beautiful, but they shouldn’t do that to sisters, they shouldn’t do that to children, they shouldn’t do that to women. I am your mother. I am KC’s mom, I’m your mom, I’m Yellie’s mom. How dare they. I love you all equally.

“Please don’t do that to my children. Ako na lang pintasan niyo. How dare you. Pag-aawayin niyo ‘yung magkapatid. Ako po ang nagsilang sa mga ‘yan. Hindi po ganoon ang pagpapalaki ko sa mga anak ko,” ang mahabang hugot ni Mega.

Read more...