Cherie Gil nagbenta na rin ng sasakyan sa gitna ng pandemya: I don’t go anywhere

 

 

NAGBENTA na rin ng sasakyan ang award-winning actress na si Cherie Gil ngayong panahon ng pandemya.

Sa halos pitong buwan nang pagpapatupad ng community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic, napakaraming natutunan ni Cherie Gil.

At sa “new normal” ngayon ng pamumuhay ng mga Filipino, isa sa mga ginawa ng veteran actress ang pag-aalis sa ilang bagay na hindi naman niya kailangan.

Aminado siya na simula nang magkaroon ng health crisis sa buong mundo, talagang nag-iba na ang lifestyle ng mga tao.

“All of us are in the same form, kanya-kanyang barko nga lang. And then of course, the lifestyle changed. You realize that you don’t need much,” pahayag ni Cherie sa “Bright Side” ng GMA Public Affairs.

Halos kalahating taon na rin daw hindi lumalabas ng bahay at nakakapagbiyahe ang premyadong aktres.

“In fact, kakabenta ko nga lang ng isang kotse. I said, ‘That’s it, I don’t really need cars, I don’t go anywhere,'” ani Cherie.
Patuloy pa niyang pahayag, “Somehow there’s a part of me na after all the time na parang nagse-settle na ako, nae-enjoy ko na at marami na akong nadi-discover about myself.”

Samantala, inamin din niyang miss na miss na niya ang magbalik sa taping at muling umarte sa harap ng camera.

“I miss the camaraderie, I miss the laughter which only can happen in engaging with one another.

“I miss it of course, so that’s why I decided to create an online master class, so nai-ignite pa rin ‘yung motor ko at saka in a way I’m quite inspired,” lahad ng aktres.

Ang tinutukoy niya ay ang kanyang acting masterclass kung saan ibinabahagi nga niya ang ilang dekadang acting experience sa showbiz industry.

Read more...