Aicelle ipinagdarasal lahat ng buntis; Max, Pancho salitan sa pag-aalaga kay Baby Skye

 

 

ILANG buwan na lang at malapit nang manganak ang Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos.

At sa gitna ng sitwasyon ng bansa ngayon dulot ng COVID-19 pandemic, dasal daw ang isa sa pinakamatinding sandata ng singer para sa kanyang pagbubuntis.

Inamin niya na magkahalong takot at excitement ang nararamdaman niya ngayon para sa magiging anak pero naniniwala siya na magiging maayos din ang lahat.

Aniya, sa kabila ng matinding pinagdaraanan ngayon ng mga Filipino darating din ang araw na babalik sa normal ang buhay ng lahat, basta magpakatatag lang at patuloy na magdasal.

Samantala, kuwento pa ni Aicelle, feeling daw niya ay magiging baby foodie ang panganay na anak nila ni Mark Zambrano.

“It gets overwhelming and emotional whenever we see our baby through scans.

“How we pray for you to be normal and healthy, anak. I’m sure all expecting parents feel the same. I’m praying with you and for you mommies and daddies.

“Declaring God’s covering on us and our babies. In the meantime, this video is on repeat. Mukhang matakaw si baby!” pahayag ng award-winning singer.

Excited na rin ang fans na malaman sa magiging gender ng anak nina Aicelle at Mark. Ano ang hula ninyo dear readers?

* * *

Sa recent guesting naman ng Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno sa “Mars Pa More,” ikinuwento nila ang kanilang morning routine para kay Baby Skye.

Sa isang video, ibinahagi nina Max at Pancho na magsisimula ang kanilang araw sa pagkakape habang natutulog pa si Baby Skye.

Habang inaantay na magising ang anak, nagpu-pump na rin si Max ng kanyang breast milk.

Nakatoka naman si Pancho sa sun time ng anak kung saan dinadala niya ito sa kanilang balcony para paarawan at makakuha ng Vitamin D. Pagkatapos nito ay magkatulong sila ni Max na paliguan si Skye.

Mapapanood din sa video ang pasilip ng mag-asawa sa bedroom ng anak na puno ng stuffed toys at may mini-basketball hoop pa.

Read more...