Ex-BF ni Gladys wala raw other woman: Pandemic na, walang trabaho, mambababae ka pa?! | Bandera

Ex-BF ni Gladys wala raw other woman: Pandemic na, walang trabaho, mambababae ka pa?!

Ervin Santiago - September 10, 2020 - 09:36 AM

 

 

PART 2 ito ng ginawang pagtatanggol ng ex-boyfriend ni Gladys Guevarra sa kanyang sarili matapos ang kanilang biglaang paghihiwalay.

Sa unang bahagi ng pagdepensa ni Leon Sumagui sa pamamagitan ng isang YouTube video, sinabi niyang hindi totoo na itinakbo o pinagnakawan niya ng pera si Gladys.

“Simple lang naman po, kung may itinakbo man akong pera, tutal nakapaskil naman yung mukha ko sa social media. So, kung may itinakbo talaga akong pera, why not kasuhan na lang po ako? Or ipahuli na lang po ako sa pulis,” paliwanag niya.

“Hindi po kami tinuruan ng mga magulang namin na manloko ng tao. At hindi po nagp*t* yung nanay ko para mapag-aral kami at mapalaki kami namg ganito.

“Kaya sana bago niyo ako murahin at alipustahin, alamin niyo muna kung ano yung buong istorya. Hindi po ako maarte. Lahat po ng ipinakita ko ay totoo lamang.

“Payo lang po para sa lahat, kung may atraso sa iyo ang isang tao, huwag niyo gamitin yung social media para ipahiya at yurakin ang pagkatao niya at kunin ang simpatiya ng nakararami.

“May batas tayo, magsampa kayo ng kaso o ipakulong niyo upang hindi makapaminsala ulit at makamit niyo ang hustisya na nararapat sa inyo,” ang hirit pa ng ex-fiancé ni Gladys.

Sa isa pang bahagi ng vlog ni Leon, ipinaliwanag niya kung bakit nagpapabayad siya sa pagde-deliver ng mga tinitindang pagkain ni Gladys.

“Ang sa akin po, saan ko po kukunin ko yung hati ko sa renta kung wala akong source of income?

 

“Sa akin is okay lang naman na wala akong kita du’n sa business namin kung yung profit nu’n, e, mapupunta lahat sa renta, sa kuryente, sa wifi, sa tubig.

“Kaya lang po, ang mahirap kasi minsan pag hindi ako nag-share, ang lalabas, e, palamunin ako, tamad ako, wala akong ginagawa.

“Ganu’n po kasi yung recent na mga away namin before this. So, sinabi ko na kailangan ko ng source of income,” chika pa ng binata.

Sa isyu kung pineperahan lang niya si Gladys, “Paano ba? Hindi ko po masabi na ano, e, kasi ako yung nag-produce ng concert niya sa Zirkoh Tomas Morato.

“Yung Breakfree. ‘Yan po. Flop po ‘yan, sad to say, and nag-abono pa po ng P20K. I owned 2007 car Toyota Altis before na ibinenta ko para mabili yung iPhone 11 na gusto niya.

“And then, right now, pinilit ko makabili ng kotse na Mitsubishi Lancer, 1985. So, kayo na po magsabi kung namemera po ako.”

At sa paratang na may ibang babae na raw siya ngayon, “Patunayan na lang kasi pandemic na, mambababae ka pa, ‘di ba. Wala nang trabaho, mambababae ka pa? So I’m not that kind of guy.”

Samantala, nag-post uli sa Facebook si Gladys tungkol sa update sa online business niya na naapektuhan ng pag-aaway nila ni Leon.

Aniya, “Today nag start ulit tayo ng delivery. Maraming salamat sa lahat ng nakaunawa. Still, humihingi ako ng paumanhin. Lahat po ito ay tuloy, may mga delay lang po talaga, gawa ng yung mga naantala ay kinailangan po natin isiksik sa ibang schedule.

“Kaya’t humihingi pa rin po ako kahit konti pa po sanang pang unawa. Please bear with me lang muna po. Pati po mga refunds, I know this will take time, pero kinakaya po. Isang araw makakaalis po ako ng bahay para asikasuhin lahat ng refunds.

“Maraming Maraming Salamat, lalo na po sa mga Guardian Angels ko. Maraming salamat po sa mga ipinarating ninyong mga pagsuporta, pagmamahal, at mga panalangin. Unti unti po, kinakaya naman po, pinaglalabanan.

“At isang matinding ipinagpapasalamat ko po ang pananatili ng inyong mga ginintuang tiwala sa akin. Mahal ko po kayo, dahil hindi ninyo ako iniwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Patuloy pa rin po ako sumasagot sa mga mensahe, lalo na po sa mga may orders din na Pumasok ng Sept 20 at Sept 24 deliveries, hindi ko na po monitored yan. And still pumasok sa account ni ex partner.

“Sana po ay ma-message ninyo ako para maipag bigay alam sa akin. Maraming Maraming Salamat po.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending