AMINADONG certified Noranian ang young Kapuso actress na si Kyline Alcantara.
Grabe ang paghanga at respeto ng dalaga sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
At dahil daw sa teleserye nilang “Bilangin Ang Bituin sa Langit”, mas nakilala pa ni Kyline ang kanyang idolo.
Aniya, “Si Ms. Nora kasi, mage-gets mo kung bakit maraming nagmamahal sa kanya until now at maraming rumerespeto sa kanya until now because, walang halong showbiz, sobrang bait niya.”
Dagdag pa niyang kuwento, “And may time rin talaga na nakikipagbiruan siya, sumasabay siya sa aming mga bata, so isa ‘yun sa mga na-appreciate ko kay Ms Nora.
“Doon ko rin talaga nari-realize na, ‘Oh my gosh! Kaya siya Superstar kasi ganito siya!’ Kasi pagdating sa set, ayun na talaga siya, ready na siya,” chika pa ng singer-actress.
Tungkol naman sa kanilang serye, mas gusto pa rin daw niyang makaramdam ng nerbiyos kapag kaeksena si Ate Guy.
“I want to keep that emotion sa akin para galingan ko. Ayoko maging komportable kay Ms. Nora. Kasi parang, pag naging komportable ka na, ‘Okay, aarte lang ako.’
“Gusto ko maramdaman ‘yung emosyon na ‘yon, and feeling ko hindi naman siya maalis kasi everytime na titingin ako sa kanya, parang, ‘Oh my gosh, kasama ko ‘yung superstar, idol to ng aking mga grandparent,” sey pa ni Kyline.
* * *
Matapos ang lock-in taping para sa mini-series na “I Can See You: The Promise,” nakauwi na si Yasmien Kurdi sa kanyang bahay kung saan may sorpresang naghihintay para sa kanya.
Sa Instagram, ipinost ng aktres ang maikling video kasama ang caption na, “Grabe naman may pa-surprise pa sila Pangga at Ayesha Zara sa akin pagbalik ko sa bahay from my lock-in taping…may pa bouquet pa! Para naman akong balikbayan lol!
“Sobrang sweet naman…nilinis pa talaga nila yung room at inayos kung saan ako magse-self quarantine for few days.”
Pero para kay Yasmien, bawal pa rin ang physical contact sa kanilang bahay, “Pasensya na sa inyo bawal muna kiss, hug at kwentuhan…kaya lumalayo rin ako (kwentuhan nalang tayo sa video call kahit nasa kabilang kwarto lang ako).
“Konting tiis lang para sure talaga na safe. Salamat talaga! Mahal ko kayo.”