#SHOOKT ang mga kaibigang celebrities ni Lovi Poe nang bumulaga sa social media ang movie poster kung saan kasama niya ang dalawang Korean superstars.
Talagang napa-wow at napanganga ang ilang artista nang makita nila ang Kapuso actress with super sikat na mga oppas na sina Ji Chang Wook at Park Seo Joon.
Sa mga hindi pa pamilyar kay Ji Chang Wook, sumikat siya sa K-drama na “Empress Ki” habang si Park Seo Joon naman ay bumida sa “She Was Pretty” at “Itaewon Class.”
Pero bago nga mamatay sa inggit at kilig ang mga supporters ni Lovi, edited lang ang nasabing movie poster.
Isang fan ng dalaga ang nakatuwaan na idikit ang litrato ng Kapuso actress sa mukha nina Ji Chang Wook at Park Seo Joon.
Ginamit ng netizen ang poster ng pelikula ni Lovi na “Hindi Tayo Pwede” kasama sina Tony Labrusca at Marco Gumabao.
Komento ni Lovi nang makita ang paandar ng fan, “Bat hindi? Pwedeng pwede!”
“P.S. Nakipila naman ako to catch my latest movie. Ang funny ng mga edits nyo.
“P.P.S. Paki add si Jung Hae-in sa next edit!” biro pa ng aktres.
Ilan sa mga naaliw at nag-comment sa nasabing post ay sina Zanjoe Marudo, Yasmien Kurdi, Valeen Montenegro, Sanya Lopez at marami pang iba.