Lovi may movie poster kasama ang 2 Korean superstar: Ba't hindi? Pwedeng-pwede! | Bandera

Lovi may movie poster kasama ang 2 Korean superstar: Ba’t hindi? Pwedeng-pwede!

Ervin Santiago - September 10, 2020 - 09:22 AM

 

 

#SHOOKT ang mga kaibigang celebrities ni Lovi Poe nang bumulaga sa social media ang movie poster kung saan kasama niya ang dalawang Korean superstars.

Talagang napa-wow at napanganga ang ilang artista nang makita nila ang Kapuso actress with super sikat na mga oppas na sina Ji Chang Wook at Park Seo Joon.

Sa mga hindi pa pamilyar kay Ji Chang Wook, sumikat siya sa K-drama na “Empress Ki” habang si Park Seo Joon naman ay bumida sa “She Was Pretty” at “Itaewon Class.”

Pero bago nga mamatay sa inggit at kilig ang mga supporters ni Lovi, edited lang ang nasabing movie poster.

Isang fan ng dalaga ang nakatuwaan na idikit ang litrato ng Kapuso actress sa mukha nina Ji Chang Wook at Park Seo Joon.

Ginamit ng netizen ang poster ng pelikula ni Lovi na “Hindi Tayo Pwede” kasama sina Tony Labrusca at Marco Gumabao.

Komento ni Lovi nang makita ang paandar ng fan, “Bat hindi? Pwedeng pwede!”

“P.S. Nakipila naman ako to catch my latest movie. Ang funny ng mga edits nyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“P.P.S. Paki add si Jung Hae-in sa next edit!” biro pa ng aktres.

Ilan sa mga naaliw at nag-comment sa nasabing post ay sina Zanjoe Marudo, Yasmien Kurdi, Valeen Montenegro, Sanya Lopez at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending