Bahay ni Carla 5 oras sumailalim sa ‘deep cleaning’; Miguel naka-3M na sa TikTok
HINDI masamang makaramdam ngayon ng pagkapraning pagdating sa pagiging sobrang linis sa katawan at kabahayan.
Mahalaga sa panahon ngayon ng pandemya na panatilihing malinis hindi lang ang ating mga sarili kung hindi pati na rin ang ating kapaligiran, lalo na sa sarili nating mga tahanan.
Ibinida ni “Love of my Life” lead actress na si Carla Abellana sa kanyang recent YouTube vlog ang naging proseso sa deep cleaning service na ginawa sa kanyang bahay.
Aniya, “There’s a pandemic going on and we have to make sure that everything is clean, in good shape, and disinfected para we are all safe at home.
“You can source your own home cleaning company or cleaners. They do a good job and I believe it’s a really good investment especially during this time,” lahad ng girlfriend ni Tom Rodriguez.
Isang happy and satisfied costumer naman ang Kapuso actress matapos ang halos limang oras na pagdi-disinfect at paglilinis ng kanyang bahay.
Samantala, wala pang anunsyo kung kailan magbabalik-taping ang pinagbibidahang serye ni Carla na “Love of my Life” kasama sina Rhian Ramos at Mikael Daez.
Pero sabi ng aktres, naghihintay lamang sila ng go signal mula sa production kung kailan magre-resume ang kanilang taping.
Naniniwala siya na anytime soon ay muli na uling mapapanood ng publiko ang kanilang teleserye na natigil din sa pag-ere dahil sa COVID-19 pandemic.
* * *
Nakakabilib ang lakas ng following ng Kapuso star na si Miguel Tanfelix sa TikTok!
Patuloy na tumataas ang bilang ng kanyang followers na sa ngayon ay higit tatlong milyon na!
Sa swabe ba naman niyang dance moves at nakahuhumaling na mga tingin, hindi na ito nakakagulat.
At talaga namang nakatutok ang fans niya sa bawat video na ipino-post niya sa TikTok. As of this writing, ang “Back To The Beat” dance challenge ang most-viewed sa TikTok ni Miguel at mayroon itong 12.2 million views!
Maganda ang takbo ng career ng aktor ngayon kahit na may pandemic, inuulan pa rin siya ng blessings, kabilang na ang mga bagong endorsements.
Samantala, napapanood din siya sa weekend variety show na “All-Out Sundays” tuwing Linggo sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.