Gerald: Hindi ko masu-survive ang ‘pandemic’ ko noong 2019 kung hindi dahil sa…

 

 

NAKA-SURVIVE si Gerald Anderson mula sa naranasan niyang “pandemic” noong 2019.

Ito ay dahil na rin sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya at hindi siya iniwan sa gitna ng laban.

Hindi man binanggit ng Kapamilya actor kung ano ang tinutukoy niyang “pandemic” na tumama sa buhay niya last year, maaaring ito ay ang kontrobersyal na break-up nila ni Bea Alonzo.

Nakausap ng ilang members ng entertainment media si Gerald sa virtual finale presscon ng Kapamilya series na “A Soldier’s Heart” na malapit na magtapos.

Dito nga sinabi ng binata na maswerte siya dahil may mga totoong tao na nakapaligid sa kanya na nagiging sandalan niya sa anumang laban ng buhay.

“Alam ko na my values and my personality and everything about me has been questioned mula last year.

“But I think may ginagawa akong tama sa buhay kasi napasama ako sa ganitong proyekto (A Soldier’s Heart) and I’ve been surrounded by great people,” lahad ng hunk actor.

Aniya pa, “Nilagay kami sa napakahirap na situation nung nag-lock in kami. Kami ‘yung unang show na nilagay sa ganu’ng situation.

“But hindi namin magagawa, hindi ko magagawa ito, hindi ko masu-survive ‘yung unang pandemic ko nu’ng 2019 kung hindi rin dahil sa mga tao sa paligid ko at sa mga nakasama ko,” sabi pa ni Gerald.

Samantala, nagbigay rin siya ng mensahe tungkol sa estado ngayon ng showbiz industry, “Siguro hanapin lang ‘yung contentment at peace sa negosyo namin, sa industriya namin.

“Maraming nakikialam, eh. Maraming may say, maraming may opinion, maraming may judgment,” sabi pa ng lead star ng “A Soldier’s Heart”.

Pahayag pa ng binata, Buhay ko ito, buhay mo iyan. Kung anong nagpapasaya sa ‘yo, alam mo naman na hindi mo naman talaga sadya manakit ng tao, tapakan. Just live your life and be happy.”

Isa naman sa mga natutunan niya habang ginagawa ang “A Soldier’s Heart”, “Darating ang mga challenges mo. Dadating ang mga pagsubok pero life goes on.

“Mas maraming tao diyan ang may mas malaking problema kaysa sa puso ko, lalo sa sitwasyon ngayon. Nakakahiya naman kung magrereklamo ako dahil binash ako dahil sa love life ko. May mas maraming problema diyan,” lahad pa ni Gerald Anderson.

Napapanood pa rin ang “A Soldier’s Heart” sa Kapamilya Channel (sa cable) at sa Kapamilya Online Live.

Read more...