“HINDI po kami tinuruan ng mga magulang namin na manloko ng tao.”
Yan ang depensa ni Leon Sumagui sa mga paratang ng ex-girlfriend niyang si Gladys Guevarra tungkol sa ginawa raw niyang panloloko rito.
Ilang araw matapos magsalita at mag-iiyak sa Facebook Live si Gladys laban kay Leon, siya naman ang humarap sa publiko sa pamamagitan ng isang vlog sa YouTube.
Dito, inisa-isa niya ang pagdepensa sa sarili laban sa mga akusasyon ng dating dyowa, kabilang na ang itinakbo raw niyang pera mula sa online food business ng komedyana.
“Ang akin lang, wala naman akong gustong sabihin against her. Ever since, nagsimula ako sa pagsasayaw para matustusan yung pag-aaral ko sa college.
“Luckily, nagbukas yung pinto sa akin ng Sunday PinaSaya (dating weekly variety show ng GMA kung saan mainstay ang singer-comedienne) as social media producer, so du’n kami nagkakilala ni Gladys hanggang sa ma-develop na nga po.”
“So, ngayon, ang gusto ko i-discuss ay gusto ko i-defend ang sarili ko sa mga false accusations against me,” patuloy ni Leon.
“Simple lang naman po, kung may itinakbo man akong pera, tutal nakapaskil naman yung mukha ko sa social media. So, kung may itinakbo talaga akong pera, why not kasuhan na lang po ako? Or ipahuli na lang po ako sa pulis,” paliwanag pa niya.
Tungkol naman sa sinabi ni Gladys na matagal daw niyang ibinalik ang perang naka-deposit sa kanyang account kung saan pumapasok ang bayad ng mga customers, hindi raw ito totoo.
“Nu’ng September 2 na po yun, naglilipat na ako ng gamit. Kumbaga, nagsasakay ako ng gamit sa kotse ko.
“Habang ginagawa ko po yun, para makaalis lang po du’n sa bahay na tinitirhan namin, kausap ko na po yung kuya niya para kay kuya ko po ibibigay ang pera na mga ire-refund. Pati po yung sa auction,” paglilinaw pa ng binata.
Sinabi rin niya na may hawak din umanong kutsilyo ang komedyana noong nagtatalo sila, “Ang hirap po kasi kasi kausapin ng tao na, hindi mo makakausap ang tao habang may hawak na kutsilyo, di ba?
“Sino ba naman ang gustong makipag-usap sa taong ganu’n? So, minabuti ko pong kausapin yung kapatid niya saka yung pamangkin niya regarding du’n sa pera na matagal daw nabigay for refund,” dagdag pa niya.
Sa isang bahagi ng video, ipinagdiinan ni Leon na hindi siya masamang tao tulad ng tingin sa kanya ngayon ng mga nakapanood sa FB Live ni Gladys.
“Hindi po kami tinuruan ng mga magulang namin na manloko ng tao. At hindi po nagp*t* yung nanay ko para mapag-aral kami at mapalaki kami namg ganito.”
“Kaya sana bago niyo ako murahin at alipustahin, alamin niyo muna kung ano yung buong istorya. Hindi po ako maarte. Lahat po ng ipinakita ko ay totoo lamang.
“Payo lang po para sa lahat, kung may atraso sa iyo ang isang tao, huwag niyo gamitin yung social media para ipahiya at yurakin ang pagkatao niya at kunin ang simpatiya ng nakararami.
“May batas tayo, magsampa kayo ng kaso o ipakulong niyo upang hindi makapaminsala ulit at makamit niyo ang hustisya na nararapat sa inyo,” tila paghahamon naman niya sa kampo ng dati niyang partner.
Sa huli sinabi niya kay Gladys ang mga katagang, “Alam kong mabuti siyang tao, mahirap lang siyang mahalin.”