Resbak ni Liza sa tumawag sa kanya ng boba: Ouch! Ang sakit, nasaktan ako

PANG-ASAR ang naging bwelta ni Liza Soberano sa isang basher na walang patumanggang tumawag sa kanya ng “boba”.

Kaugnay pa rin ito ng matapang na pahayag ng Kapamilya actress sa pagbibigay ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Si Pemberton ay ang Amerikanong sundalo na na-convict sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude at sinintensiyahan ng 6 hanggang 12 taong pagkakakulong na ibinaba kalaunan sa 10 taon.

‘’PARDONED?!?!? HE MURDERED AN INNOCENT PERSON. ONE OF OUR PEOPLE. HOW CAN WE LET THAT JUST PASS?

“Another question, you think this murderer (I’m not even gonna say his name) wasn’t treated fairly but, was it fair that Jennifer Laude was murdered out of hate just because of her sexual orientation?

“So a murderer was just released for good conduct. Are we supposed to just forget that he killed Jennifer Laude because he’s done some good?

“Damn at a time when all we need is unity the government decides to make a mistake like this. Whose side are you on really? Who are you really serving? The people of the Philippines or yourselves?  #JusticeForJenniferLaude #TransLivesMatter,” ang sunud-sunod na tweet ni Liza patungkol sa nasabing isyu.

Sa comments section, may netizen ang kumontra kay Liza at tinawag pa siyang boba.

“Ang boba pala ng babaeng ito. Now naniwala na talaga akong acting lang kunwaring matalino.

“Stick to your craft girl. (Huwag) masyadong pahalata na wala kang alam sa basic conprehension on laws & current events,” ang komento ng Twitter user.

Hindi naman ito pinalampas ng Kapamilya actress at tila inasar pa ang basher sa kanyang naging reply.

“Ouch ang sakit nasaktan ako,” ang maikli pero tumatagos na sagot ng dalaga.

Maraming kumampi kay Liza sa mga naging pahayag niya tungkol sa kaso ni Pemberton at bumilib sa tapang niyang isapubliko ang kanyang saloobin.

Pero may mga nam-bash din sa kanya at sinabing alamin daw muna niya ang mga batas sa bansa bago siya magbigay ng maaanghang na komento.

Read more...