Liza galit na galit sa pagbibigay ng ‘absolute pardon’ kay Pemberton: He murdered an innocent person!

 

 

HINDI nagustuhan ng sambayanang Pilipino ang ibinigay na absolute pardon ni Presidente Rodrigo Duterte kay US Marine Cpl. Joseph Scott Pemberton.

Si Pemberton ay convicted sa pagpatay sa Filipino transgender woman na si Jennifer Laude noong 2014 at nahatulan ng korte sa Olongapo City ng 6-10 taong pagkakakulong.

Ayon sa abogada ni Corporal Pemberton na si Atty. Rowena Garcia-Flores, hindi sila nag-apply ng application pardon kay Presidente base sa panayam niya kay Karen Davila sa programang “Headstart” sa ANC ngayong umaga kaya nagulat din siya.

Lunes nang madaling araw ay sunud-sunod na nag-tweet ang aktres na si Liza Soberano tungkol sa paglaya ni Pemberton dahil para sa kanya ay isa itong murderer.

‘’PARDONED?!?!? HE MURDERED AN INNOCENT PERSON. ONE OF OUR PEOPLE. HOW CAN WE LET THAT JUST PASS?

“Another question, you think this murderer (I’m not even gonna say his name) wasn’t treated fairly but, was it fair that Jennifer Laude was murdered out of hate just because of her sexual orientation?

“So a murderer was just released for good conduct. Are we supposed to just forget that he killed Jennifer Laude because he’s done some good?

“Damn at a time when all we need is unity the government decides to make a mistake like this. Whose side are you on really? Who are you really serving? The people of the Philippines or yourselves?”

Ilang beses namang ni-retweet ng followers ni Liza ang tweet niya bagay na may ilang nag-react na halatang panig sa gobyernong Duterte.

Kilala si Liza sa pagiging vocal niya sa mga national issues at pagbatikos sa administrasyong Duterte.

Samantala, panay naman ang kulit ng netizens kay Presidential Spokesman Harry Roque kung ano ang masasabi niya bilang siya ang tumayong abogado ng pamilya Laude na ngayon ay pinakawalan ng boss niyang si Duterte?

Read more...