Social media monitoring ng PNP, walang mali - Palasyo | Bandera

Social media monitoring ng PNP, walang mali – Palasyo

Bandera at Radyo Inquirer - , September 07, 2020 - 04:06 PM

Walang nakikitang mali ang Palasyo ng Malakanyang sa hakbang ng Philippine National Police (PNP) na i-monitor ang social media posts para sa posibleng quarantine violator.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman ipinagbabawal ang social media monitoring.

“Well, alam niyo po, yung Cybercrimes Act natin nakasaad po doon ang mga pinagbabawal. Hindi naman po pinagbabawal ang social media monitoring. So wala pong mali sa ginagawa ng pulis kung tinitignan lang nila kung ano ang naka-post sa social media. So yung pagmomonitor po hindi po ‘yan illegal. I don’t think there’s anything wrong with that,” pahayag ni Roque.

Sinabi pa ni Roque na ang pag-monitor ng PNP sa social media ay bahagi lamang ng paggamit ng teknolohiya.

“Sa tingin ko ang pagmomonitor ng social media, eh pinost po ‘yan, eh. Sa parang nagkaroon po ng waiver of privacy diyan kapag posted na po ang isang bagay sa social media,” pahayag ni Roque.

Maging ang mga mauunlad na bansa aniya ay ginagamit na rin ang teknolohiya sa imbestigasyon.

“Ngayon po kasi talaga, pagdating sa mga imbestigasyon, ini-enganyo ang pag-check sa social media, pag-check sa mga cellphones, SOP na po ‘yan lalong-lalo na sa mga developed countries ‘pag sila ay nag-i-imbestiga,” pahayag ni Roque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending