Naiinip sa resolusyon ng kaso sa piskalya

DEAR Atty.:
Magandang araw, Attorney. Tulungan ninyo ako dahil dalawang kaso na ang na-file ko pero wala pa ring aksyon ang piskal. Una riyan ay ang kasong child abuse. Noong Marso ay nag-file ako ng 9262 at concubinage. Hanggang ngayon ay wala pa talagang aksyon. Ano po ba ang dapat kong gawin? — Pamela Dawn, 37, Isabela, Basilan, …4697

Dear Pamela:
Sadyang binibigyan talaga ng sapat na oras ang pagsusulat ng resolution ng mga piskal/prosecutor sa pag-iimbestiga o preliminary investigationHindi naman kasi ito simpleng gawain lang at malamang ay kumplikado rin ang mga issues at kailangan ng masusing pag-aaral at imbestigasyon. Hindi natin pwedeng sabihin na “walang aksyon” ang piskal kung wala naman kasing ebidensiya.
Pero kung ikaw ay sadyang naiinip sa paghihintay, maaari kang magsumite ng “motion for early resolution” sa opisina ng piskal na kinauukulan upang inyong madokumento ang inyong sinabi na “hanggang ngayun ay wala talagang aksyon”.
Sana lang ay unawain din natin na maraming ginagawa ang mga piskal dahil sabay-sabay rin ang kasong kanilang iniimbestigahan. Ang mga kasong ito, tandaan natin, ay kasing halaga ng kaso mo.
Huwag kayong mawalan ng loob.

— Atty.

Dear Atty.:
Ako po si Lemuel ng Alabang, Muntinlupa City. Problema ko po ang SSS namin. Hindi po kami hinuhulugan pero kinakaltasan kami tuwing sahod. Ano po ang dapat naming gawin? Thanks po. — Worker, ….9567
Dear Worker:
Pumunta kayo sa legal department ng Social Security System main office sa East Avenue Quezon City. Makipag-ugnayan kayo sa mga abogado ng SSS upang kayo ay makapagsampa ng kasong estafa laban sa inyong mga boss. Kayo ay gagawing mga private complainant sa criminal case na ito.
Ang SSS ang tatayong abogado sa inyong demanda laban sa inyong kompanya o boss.
Sa proseso ng batas, binibigyan ng pagkakataon ang mga partido ng magkaroon ng amicable settlement ang mga partido.
At kung mangyayari ito ay maaaring babayaran ng kusa ng boss o ng kompanya ninyo ang mga contribution ninyo sa SSS upang hindi na siya maidemanda pa. — Atty.

Meron ba kayong nais na itanong kay Atty. Fe? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 o 09277613906. Abangan ang kanyang sagot tuwing Miyerkules at Biyernes.

Read more...