Kaya namin nasabing “for keeps” na ay dahil inakala ni Harlene at ng ilang kaibigan na ang ex-boyfriend niyang si Neil Eugenio (kasama sa That’s Entertainment) na ang magkakatuluyan dahil nga madly in love noon ang producer-actress.
Si Neil ang naging boyfriend ni Harlene pagkatapos nilang maghiwalay ng asawang si Romnick Sarmenta.
Pero hindi pa pala siya ang “forever” ng bunsong kapatid nina ex-Mayor Herbert Bautista at kasalukuyang konsehal ng District 4 na si Hero Baustista.
Nakahanap naman ng bago niyang pag-ibig si Harlene kay Federico na nag-celebrate na nga ng kanilang first monthsary nitong Sabado sa pamamagitan ng dinner sa Tomatito Spanish Restaurant sa BGC.
Caption ni Harlene sa larawan nila ni Federico na ipinost niya nitong Sabado ng gabi sa Facebook, “Everything is clearer, lovelier and more right because of you. Looking forward to spending more of life with you. I love you, Freddie.”
Sinagot naman ito ni Federico ng, “1st month. Harlene Bautista (emoji heart),” na ipinost din niya sa kanyang FB page.
“I’m happier now, ‘yun ang mahalaga,” sagot sa amin ni Harlene sa tanong namin na nitong 2019 lang ay masaya rin ang puso niya.
Obviously matagal nang magkakilala sina Harlene at Fred (palayaw ni Federico) dahil miyembro ng That’s Entertainment ang aktres at tatay naman ng huli ang host ng programa.
Si Federico ay matagal nang hiwalay sa asawang si Shiela Magdayao na kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao at hindi lang kami updated kung may nag-file ng annulment.
Samantalang si Harlene naman ay two years palang hiwalay kay Romnick sa darating na Oktubre.
Nang huli naming makapanayam si Harlene sa Vera Perez Gardens noong 2019 ay nabanggit niyang nag-file na siya ng annulment.
Samantala, maraming bumati at natuwa sa post nina Harlene at Federico tungkol sa kanilang relasyon. Sana raw ay forever na silang dalawa.