Anak ng dating aktor na si Leandro Muñoz proud transman: Sabi ko walang mali sa kanya

 

 

PROUD daddy ang hindi na aktibong aktor na si Leandro Muñoz sa kanyang anak na si Frankie — isang transman.

Sinuportahan niya ang anak sa desisyon nitong ilantad ang tunay niyang pagkatao sa publiko noong 16 years old pa lamang ito.

Talagang kinausap daw siya nang masinsinan ni Frankie (na nagngangalang Chesca noon) para mag-come out.

“This is something I will never ever hide from the public or anyone should hide from the public because this is a serious matter,” ang simulang pahayag ni Leandro sa panayam ng Kapuso online show na “Just In” with Paolo Contis.

“‘Yung anak ko when nag-turn siya ng 16 years old, kinausap niya ako. He was crying, sabi niya I need help. I am wrong. I need help maybe from a psychiatrist.

“Sabi ko, ‘Why?’ Because attracted daw siya sa same sex. Sabi ko, ‘There’s nothing wrong with you.’

“Sabi ko, ‘Is that what makes you happy?’ Sabi niya, ‘Yeah that’s what makes me happy. I feel like I am a boy, I am a man,'” pagbabahagi pa ni Leandro.

Sagot daw niya sa kanyang anak, “‘Then, go with what you feel.’ My point here is kailangan talaga isupport natin what makes our children happy.

“Ever since na sinabi niya ‘yun, hindi na siya closet, hindi na siya nagtago. He came out. Now he’s a transman na ang tawag na sa kanya ngayon,” aniya pa.

Nakikita naman daw niya ang anak na masaya sa buhay na pinili niya, “Now he goes by Frankie, he’s 26 years old now and he’s a male, a transmale. He’s very very happy.”

Tulad ng inaasahan, naka-experience din ng discrimination si Frankie, “Meron siyang experiences that would probably be the reason niya na ayaw niyang mag-come out dahil nakita niya na may mga ganu’n.”

“That’s why, alam mo ngayon, because of his experience, he’s gonna be taking up psychology. Psychology para sa LGBT. Magpo-focus siya doon dahil ‘yun ang nagfi-fit sa kanya.

“He was able to go through that process because of the support of a psychologist and of course the parents,” chika pa ng dating matinee idol.

Narito naman ang mensahe niya sa lahat ng magulang na may mga anak na miyembro ng LGBTQ, “My message to everyone, kung meron kayong anak na who’s trying to come out, just support. Give a hundred percent support.”

Read more...