Mariah Carey nakidalamhati sa pagpanaw ng Pinoy vlogger: ‘RIP Lloyd, you will be missed’

 

Maging si Mariah Carey ay nagpahayag ng pakikidalamhati sa biglaang pagpanaw ng sikat na Pinoy vlogger na si Lloyd Cadena.

“So sad,” wika ni Carey sa kanyang tweet ngayong Sabado ng umaga.

Kilalang fan ni Carey si Cadena. Katunayan, larawan ng songstress ang nasa header image ng official Twitter account ng Pinoy vlogger.

“RIP Lloyd, you will be missed,” wika pa ni Carey. “Sending my prayers to his family and friends during this difficult time.”

Habang sinusulat ang balitang ito, umani na ng mahigit sa 26,000 retweets at 154,000 likes ang mensahe ni Carey para kay Cadena.

Sa opisyal na pahayag ng pamilya noong Biyernes, ibinahagi nila ang malungkot na balita.

“It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved brother Lloyd Cafe Cadena,” ayon sa pahayag na naka-post sa official page ni Cadena.

“May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone,” dagdag pa ng pahayag.

Nakilala si Cadena, 26, sa kanyang masasaya at makukulit na vlogs.

Ang kanyang Lloyd Cafe Cadena VLOGS sa YouTube ay may 3.17 milyong subscribers habang ang kanyang official Facebook page ay may 6.9 followers.

Hindi binanggit ang dahilan ng kanyang biglaang pagkamatay at humiling ang pamilya ng privacy, maliban pa sa “inyong mga panalangin, respeto.”

 

Read more...