MARAMING nabigla sa biglaang pagkawala ng kilalang vlogger na si Lloyd Café Cadena ngayong umaga ng Biyernes.
Inihayag ang pagpanaw ni Lloyd sa isang official statement na ipinost sa kanyang official Facebook page.
“It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved brother Lloyd Cafe Cadena.
“May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone.
“My family and I ask for your prayers, respect, and privacy during this time,” ang nakasaad sa nasabing FB post.
Ang huling tweet ni Lloyd ay nitong Set. 2 lamang, aniya, “11:11 Healing for everyone!”
Ayon sa mga nakausap namin ay si Lloyd daw ang isa sa pinakaunang vlogger (nagsimula noong 2010) kaya hindi kataka-takang umabot na sa mahigit 3 million ang subscribers niya at more than 6 million naman ang followers sa Facebook.
Habang sinusulat namin ang malungkot na balitang ito ay bumubuhos na ang pakikiramay ng mga netizens sa naulilang pamilya ni Lloyd.
Napanood namin ang ilang videos niya sa YouTube na hindi bumababa sa 871k ang views at almost 2 million views naman ang pinakamataas.
Real talk tungkol sa kanilang pamilya sa araw-araw ang laman ng YouTube channel ni Lloyd kaya maraming nakaka-relate lalo pa’t kuwento ng isang rags to riches ang buhay niya.
Bago niya iniwan ang mga mahal sa buhay kaninang umaga ay nalaman naming naipagawa pa niya ng malaking bahay ang nanay niyang nagretiro na raw base sa post niya isang linggo na ang nakararaan.
Nakakatuwa dahil pati nanay niya ay YouTuber na rin at almost 300k na ang subscribers. Nakahanda na nga ang mga cake na ibibigay sana ni Lloyd sa ina na nasa refrigerator nila.
Samantala, nakapaglabas ng libro si Lloyd sa ABS-CBN Publishing noong 2018 na may titulong “Ex-Rated: ex – (noun) lubak, wrong turn, mistake, hayop, on the right way to be unloved.”
Sabi pa ay isa rin si Lloyd sa highest paid vlogger per appearance niya sa mga events.
Anyway walang binanggit kung ano ang ikinamatay ni Lloyd pero ayon sa mga vlogger na nakakakilala sa kanya ay atake raw sa puso. Siya 26 years old lamang.