HUMILING ng dasal ang buong produksyon ng pelikulang “Malvar, Tuloy Ang Laban” para sa agarang paggaling ni Dr. Edberto Malvar Villegas, Ph.D.
Na-stroke kahapon ang dating Chairman ng University of the Philippines (UP) Political-Economy Department at kasalukuyang nasa ICU ng Makati Medical Center.
Si Dr. Ed ang may akda ng librong “Gen. Malvar and the Philippine Revolution” na naglalaman ng talambuhay ng kanyang lolo, ang Pambansang Bayaning si Heneral Miguel Malvar.
Ang nasabing aklat ang naging batayan ng script ng “Malvar, Tuloy ang Laban”, isang movie-documentary ng buhay ni Hen. Malvar mula sa JMV Film Productions ni Atty. Jose Malvar Villegas na pagbibidahan ni Sen. Manny Pacquiao bilang si Hen. Malvar.
Nananawagan ang mga kapatid ni Prof. Ed na sina Atty. Villegas Jr., na siya ring founder ng Citizens Crime Watch-Katipunan Kontra Krimen at Korapsyon (CCW-KKK) at Chairman-President ng Labor Party Philippines-LPP, Dr. Bernardo Malvar Villegas, Ph.D, Founder, Center for Research and Communication/University of Asia and the Pacific (CRC-UA&P) na ipagdasal ng libu-libong tagasunod ng CCW-KKK at CRC-UA&P/Opus Dei ang maaga niyang paggaling upang maipagpatuloy pa nito ang adhikain ng kanyang lolong si Gen. Malvar.
Si Prof. Ed Villegas ay isa sa mga naunang lumaban sa Marcos Martial Law Dictatorship at na-detain sa Camp Crame at Bicutan nang ilang taon kasama ang maraming nagbuwis ng buhay sa larangan ng kalayaan at karapatang-tao tulad ng kanyang lolong si Hen. Malvar.
Base sa mga ulat, si Hen. Malvar ang namuno sa puwersang Pilipino ng 1898 Republika ng Pilipinas bilang kapalit ni Hen. Emilio Aguinaldo noong 1899-1902 Digmaang Pilipino at Amerikano at bilang heneral na huling sumuko sa puwersang Amerikano.
Magsisimula na sana ngayong taon ang shooting ng kanyang biopic sa direksyon ni Jose “Kaka” Balagtas, and line produced by Camarines Sur Vice Gov. Imelda Papin (President of Actors Guild of the Philippines) ngunit na-delay nga nang dahil sa pandemya.
Samantala, may proposal namang inihain ang CCW-KKK sa Department of Education (DepEd) na isama sa module ng History subject ang online teaching ng “Malvar, Tuloy Ang Laban” upang masaksihan ang kasaysayan natin sa 1896 Philippine Revolution at 1899-1902 Philippine American War ng 27 million public school students.