TALAGANG matindi pa rin ang rivalry nina Angel Locsin and Marian Something.
Kesehodang parehong nagpakahirap ang dalawa sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Maring ay meron pa ring nasasabi ang mga fans ng bawat isa sa kanila.
Sa isang Facebook account ay ipinakita ang picture nina Angel at Marian. One photo showed Marian helping out in the preparation of the relief good while the other one showed Angel posing with some guys.
Ang contention ng nag-comment, si Marian daw ay puro stolen shots ang kuha at hindi nagpo-post ng pictures niya sa Instagram kaugnay ng pagtulong niya dahil ayaw niyang i-broadcast ang kanyang kawanggawa.
Si Angel naman daw ay mahilig magpa-picture at todo pose pa ng pictures niya sa Instagram account niya.
Mali ang observation ng nag-comment. In fact, si Angel ang hindi mahilig sa publicity. Ayaw nga niyang nakukunan siya ng pictures habang tumutulong sa mga nasalanta ng kalamidad.
Nakalimutan din ng nag-comment na si Angel ang nangunguna palagi kapag may disasters sa Pilipinas. Hindi nga ba’t ilang beses pa siyang nagpa-auction ng mga personal niyang mga gamit kasama si Anne Curtis para lang may maidagdag pang pondo para sa relief operations niya?
When disaster strikes, hindi ba’t si Angel ang nangunguna sa paggamit sa social media para magkaroon ng public awareness kung saang parte ng bansa o lugar sa Manila nangangailangan ng matinding tulong?
“Nakakatuwa si Ms Angel Locsin. Ayaw talagang isa-publiko ang pagtulong niya sa kapwa niyang mga pilipino. Yan ang tunay na tumutulong! IDOL!” comment ni Kiray Celis.
One even said na sa lahat ng mga celebrities na tumutulong ay si Angel ang pinaka-sincere sa lahat. And what about Marianita?
Well, Marian’s kawanggawa were mostly covered by the media. Kapag may isa siyang fan na may sakit, usually mga bata, at ini-request na bisitahin niya, hindi ba’t palaging merong coverage ang GMA 7.
Her latest birthday celebration na lang with young cancer patients which was organized by her fans club, hindi ba’t may coverage rin?
She could have opted to tell GMA execs na ‘wag nang kunan ang kanyang birthday celebration with the kids dahil malakas naman siya sa Siyete but she didn’t. Ayun, marami tuloy ang naplastikan sa kanyang ginawa. Now, sino ang mas sincere sa pagtulong?