Ano ang Saudization?

DEAR Aksyon Line
Magandang araw po sa mga taga-Inquirer Bandera at sa iyo Ms. Liza Soriano. Sumulat po ako upang magtanong tungkol sa kung ano ba ang ibig sabihin ng SAUDIZATION at ano ang epekto nito sa kagaya ng aking asawa na nagtratrabaho sa Saudi. Isa po siyang machinist doon pero legal at wala naman pong problema sa kanyang papel. Nag-aalala lamang ako bilang asawa.Maraming salamat po at mabuhay kayo at pagpalain ng Maykapal. Harinawa ay tumagal pa ang inyong pitak para maraming OFWs ang inyong matulungan. Salamat pong muli.

Gumagalang,

EDEN MARINAS

Buendia, Tunasan, Muntinlupa City
ANG Saudization po ay isang patakaran o polisiya ng bansang Saudi na nagbibigay limitasyon sa trabaho ng mga dayuhang mangagawa. Ito rin ay naghihikayat sa mga Saudi nationals o mamayan na punan ang trabaho bago ibigay sa dayuhan.
Dahil hindi lamang mga Pilipino ang workers doon, meron ding ibat-ibang lahi. Magkakaroon ito ng classification at nahati ito sa limang kategorya ng mga kompanya at meron ding tinatawag na bonds.
Mula 1-10 empleyado. Exempted ito at hindi pinapayagang mag-hire ng empleyado.
10-49 empleyado. Small scale business lamang ito, ang percentage ng Saudi national ay 5 to 24 percent.
50-499— 6 to 27 percent.
500-2099. Large scale business na ito at 30 percent ng mga empleyado nito ay dapat Saudi nationals
3,000 or more. Conglomerate na eto at dapat mahigit sa 30 percent ang kanilang workers dito.
At ito ay nahati sa tinatawag nilang Zones, kapag kulay Blue, VIP or full compliant; Green, Excellent; Yellow, Poor; Red, Non-compliant.

Mahigpit ang batas ng Saudi, ipinag-uutos ang crackdown kaya’t walang ligtas ang mga illegal workers o ang mga pupunta doon na walang papel o working permit na biktima ng illegal recruiters, travel na may intension mag-overstay.

Ngunit ang mga overstaying ay binibigyan ng pagkakataon na humanap ng sponsors na magbibigay sa kanila ng resident permit subalit kung hindi makakahanap ay mahaharap sa deportation, fines or pagkakulong.

Mahigpit ang immigration ng Saudi Arabia kaya dapat ay nasa ayos ang exit visa. Kung nahaharap ka sa krimen, hindi ka bibigyan ng exit visa. Pagdurusahan mo muna ang crimes na nagawa mo. Kulong at posibleng humantong sa bitay kapag napatunayan na nagkasala ka.
Kaya aking pinaaalahanan ang lahat ng ating kababayan na sumunod sa proseso at sundin ang batas ng Saudi Arabia para walang pagsisisi sa huli.
Maraming salamat sa iyo, Eden Marinas at sa iyong esposo, at sa lahat ng Mangagawang Pilipino saan man sa mundo.

Nicon Fameronag
Director for Communications DOLE.
Intramuros,Manila
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...