Joshua: Iba rin ‘yung feeling pag may karelasyon ka, ang sarap kaya nu’n

AMINADO si Joshua Garcia na nami-miss niya ang “presence” ni Julia Barretto ngayong hindi na sila magkarelasyon.

Ayon sa Kapamilya young actor, iba pa rin daw siyempre yung feeling na may special someone sa buhay mo na matatawag mong “ka-partner” sa lahat ng bagay.

Kamakailan ay nagkaroon ng reunion project ang tambalang JoshLia, ang digital short film na “E-Numan” kung saan gumanap din sila bilang mag-ex. Ipinalabas ito sa Kapamilya Online Live.

“Hindi ko in-expect na agad-agad, magkaka-work agad kami. Siyempre maliit lang ang industriya so sabi ko magkakatrabaho at magkakatrabaho kami pero hindi pa ngayon,” pahayag ni Joshua aa panayam ng Cinema News At Home Edition.

Dagdag pa ng aktor, “Feeling ko bibigyan kami ng project baka next year pa or next, next year. Hindi ko in-expect na ngayon din agad.”

Pero sabi ni Joshua, wala naman daw naging problema sa kanila ni Julia ang magsama uli sa mga proyekto kahit nag-break pa sila.

“Pero sa akin wala namang kaso. Okay naman ako kay Julia. Wala naman kaming problema,” aniya.

At nang tanungin nga kung ano ba ang nami-miss niya sa pakikipagtrabaho kay Julia, “’Yung presence niya. Siyempre iba din naman ‘yung feeling kapag may ka-relasyon ka. Ang sarap kaya nu’n.

“Feeling ko, in general, ‘yun na talaga, ‘yung presence niya. ‘Yung feeling na may kasama ako sa lahat ng ginagawa ko, parang team,” hirit pa ng binata.

Naghiwalay ang dalawa last year pero tumanggi silang magbigay ng dahilan kung bakit bigla na lang silang nagdesisyon na tapusin na ang kanilang relasyon.

Read more...