Kyline nag-debut sa gitna ng pandemya: Swinging to adulthood now
WALA mang bonggang celebration, masaya at punumpuno pa rin ng pag-asang ipinagdiwang ni Kyline Alcantara ang kanyang debut.
Yes, dalagang-dalaga na ang super talented Kapuso singer-actress na nag-18th birthday nga kahapon, Sept. 3.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Kyline sa kanyang fans and social media supporters ang ilang litrato para sa kanyang debut kasabay ng pasasalamat sa lahat ng bumati sa kanyang special day.
Caption niya sa kanyang IG post, “Swinging to adulthood now. I’ve been told that it’s not gonna be an easy ride.”
“But with you people to guide me, I know that I’m gonna be just fine.
“Thank you all for your sweet greetings.
“I feel all your love. Sending my virtual hugs and kisses to all of you.”
Naiintindihan naman ni Kyline ang sitwasyon ngayong meron pa ring pandemya at kinundisyon na rin niya ang sarili na isang simpleng selebrasyon lamang ang maaari nilang gawin para sa 18th birthday niya.
Kung matatandaan, bago pa magsimula ang community quarantine noong March ay sinabi niyang naghahanda na sila para sa kanyang debut.
“I’m planning na, magse-send na rin sana ako ng designs sa magde-decorete ng debut ko. Magse-send na rin dapat ako sa magbe-bake ng cake ganyan.
“Sana hindi abutin ng September itong pandemic, pero kung hindi man matuloy, at least we’re all safe.
“Kumbaga, hindi naman masyadong importante ‘yung debut or ‘yung birthday kumpara sa nangyayari sa mundo,” paliwanag ng Kapuso young actress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.