Lyn Ching dumepensa sa nangnenega sa pangalan niya: Yes, I know what it means

TILA napuno na ang TV host na si Lyn Ching sa patuloy na pagpapamukha sa kanya ng ilang netizens tungkol sa ibig sabihin ng pangalan niya.

Palagi raw kasing may nagtatanong sa kanya kung alam ba niya ang tunay na kahulugan ng “lynching” at kung hindi ba niya ikinahihiya ito.

Hindi na siguro nakapagpigil ang isa sa mga host ng Kapuso morning show na “Unang Hirit” sa mga ganitong banat ng netizens kaya naglabas na siya ng saloobin hinggil dito.

Idinaan ni Lyn sa Instagram Story ang reaksyon niya sa mga negatibong comments tungkol sa hindi kagandahang meaning ng kanyang name.

Ayon sa Cambridge dictionary, ang meaning ng salitang “lynching” ay, “act of killing someone without a legal trial, usually by hanging.”

Pagtatanggol ni Lyn sa sarili, “I’ve had people ask me or made rude comments about my name. And I get it. I do.”

“I’ve live with this name for 46 years and Yes. I know what it means,” depensa pa ng TV host.

Pagtatanggol naman niya sa mga magulang na nagbigay sa kanya ng ganu’ng pangalan, “Did my parents understand when they named me that I would be associated with killing without trial for the rest of my life?”

“I don’t believe any parent in his right mind would that to their child on purpose.

“Just the same. Here we are. You don’t have to remind me what my name means. It does not define me.

“Does Yours?” huling hirit pa ni Lyn Ching.

Read more...