Ito ang ibinahagi ng dalaga sa publiko sa pamamagitan ng kanyang vlog. Idinetalye niya rito kung paano niya nalaman na tinamaan na rin siya ng killer virus at kung paano siya nagpagaling.
Inamin ni Diva na nu’ng una ay natatakot siyang ibahagi sa publiko ang naranasan niya pero mas nanaig ang kagustuhan niyang makatulong at magsilbing inspirasyon sa iba.
Bago niya ilabas ang kanyang vlog, nag-post muna ang aktres sa Instagram tungkol dito, “Yes, I’m a COVID survivor. Finally took courage to relaunch my YouTube channel & for my first vlog, I decided to share my experience to spread awareness and hopefully inspire people.
“I was very scared to do this but decided to post anyway cause I feel like this is more of an eye-opener and a chance to help other people realize that this is serious & we should take all the safety measures that we can get,” aniya pa.
Pahayag ni Diva, agad siyang nagpa-check up sa kaibigan niyang doktor nang magkaroon siya ng sipon.
“I don’t have any other symptoms, sipon lang talaga. Wala akong ubo, wala akong fever, wala akong lahat. But then again, he (Dr. Alva) encouraged me to isolate myself na away from my family.
“I don’t want to take the risk of staying at home with my family, knowing that I could be possibly, you know, having the virus already,” kuwento ng dalaga.
Pagkatapos nito ay nagpunta siya sa isang quarantine facility para magpa-swab test. At dito na nga naging emosyonal ang Kapuso actress.
“Yes, I tested positive for the coronavirus as an asymptomatic and you know, having no symptoms. I’m still trying to sink it up until now. I don’t know how I feel. I’m pretty sure I’m scared.
“I’m scared because I don’t know what will happen tomorrow, ang daming questions eh, because I was super confident na negative ako kasi maingat talaga ako. I don’t go out up until super importanteng errands.
“I’m so careful but then again you still don’t know eh, kung paano mo siya makukuha,” lahad niya.
Pag-amin pa ni Diva, “I’m a little bit disappointed of myself because I could’ve been more careful but you know, there’s no space for that for now.
“I’m just grateful kasi ginawa ko agad ‘yung protocol. When I felt like I’m not feeling well na, ginawa ko agad is to isolate myself away from my family that you know pwede pang mahawaan.”
Dalawang linggo siyang nag-quarantine at sa awa nga ng Diyos, nagtagumpay siya sa paglaban aa killer virus.